MASAGANA 99 NI MARCOS TINULDUKAN ANG RICE IMPORTATION

FERDINAND MARCOS copy.jpg

(Una sa dalawang serye)

MULING nabuhay at pinag-usapan ang programang “Masagana 99” ng namayapang Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. na ipinatupad limang dekada na ang nakalilipas.

Napakaganda ng epekto ng Masagana 99 sa isyu ng produksiyon ng bigas sa Filipinas magmula nang ipatupad ang nasabing programa.

Ideya ni Marcos

Ngunit naging kontrobersiyal at masama ang Masagana 99 dahil sa simpleng isyu na ‘ideya’ ito ni Marcos.

Taong 2020 na ngayon, ngunit marami pa ring pumupuna sa mga proyekto at programa ni Marcos dahil sa deklarasyon ng batas militar.

Kahit wasto, makabuluhan at totoong nakatulong sa mamamayan, ang Masagana 99 ay binibira, benabalewala at hinusgahang palpak ng mga kritiko ni Marcos – lalo na ng mga komunista at mga aktibistang kabilang sa mga organisasyong bahagi ng pambansang demokratikong kilusan na pinamumunuan ng Communist Party of the Philippines (CPP) – dahil proyekto ni Marcos.

Wala namang perpektong pangulo.

Wala ring perpektong rehimen.

Lahat may mali, lahat mayroong nagawang krimen sa mamamayan.

Ngunit hindi ito dahilan upang huwag obhetibong suriin at tanggapin ang katotohanang maraming nagawa si Marcos sa kabila na isinailalim niya ang buong bansa sa batas militar noong Setyembre 1972.

Isa sa mga proyekto ni Pangulong Marcos ang Masagana 99

Ano ba ang Masagana 99?

Ang salitang masagana sa Masagana 99 ay ‘bountiful’ sa Ingles,  ayon sa artikulong “Masagana 99” na lumabas sa online platform ng The Center for Media and Democracy (CMD).

Ang CMD ay isang watchdog sa Estados Unidos kung saan nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga kawani at mananaliksik nito hinggil sa korupsiyong sumisira at nagbabalewala sa demokrasya, kapaligiran at pag-unlad ng ekonomiya.

Pinili ni Marcos ang salitang masagana sapagkat ang proyekto ay naglalayong maging masagana ang buhay ng mga Filipino, partikular na ang mga magsasaka, simula 1973 hanggang sa mga susunod na taon.

Ang 99 naman ay literal na 99 kabang bigas o 4,900 kilos ng bigas ang dapat anihin ng bawat isang ektaryang (10,000 kuwadro  metro) lupang sinasaka ng mga grupo ng mga magsasaka, banggit ng artikulo ng CMD at ng iba pang mga taong kabisado ang Masagana 99 tulad nina Dr. Emil Q. Javier, Fernando Malveda at Rosendo So.

Si Javier ay naging pangulo ng University of the Philippines (UP) noong 1993 hanggang 1999 at kinilalang national scientist ng bansa, samantalang si Malveda ay pangulo ng Leads Agricultural Products Corporation at pinuno naman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) at Abono party-list si So.

Binanggit ni Malveda sa media forum ng isang broadsheet nitong Marso na layunin ng Masagana 99 na baguhin ang inaaning 45 kabang bigas kada isang ektarya (mahigit 2,227 kilo).

Sa kolum ni Dr. Javier sa Manila Bulletin noong Nobyembre 5, 2016, tinalakay niya ang Masagana 99 na ang pamagat ng kanyang paksa ay “Masagana 99 redux.”

Sabi niya: “Reeling from the effects of 28 typhoons over a four-month period in crop year 1971; a severe outbreak of tungro virus in 1972, and a killer flood in crop year 1973 in Central Luzon followed by a drought, the Philippines was forced to launch Masagana 99 as a crash rice program for “national survival.””

Inilunsad ni Marcos ang Masagana 99 noong 1973 bilang sagot sa matinding suliraning humambalos sa bansa mula 1971 hanggang 1973.

Natigil ang Masagana 99 noong 1979 dahil nagkaroon ito ng problema.

Masagana 99 ni Marcos gustong buhayin ni Duterte

Matagal  nang wala ang Masagana 99.

Noong 1979 ay itinigil na ito ng administrasyong Marcos kahit naging matagumpay ito.

Ayon kay Javier, nagtagumpay ang proyekto ni Marcos dahil binigyan ang mga maliliit na magsasaka ng “access to a package of technology without which it is impossible to grow decent, profitable crops of rice.”

Ipinaalala niya sa publiko, marahil partikular sa mga opisyal ng pamahalaan, na “Farmers need good seeds, fertilizers, pest control, dryers and credit. As long as these elements are provided for, the farms will pay for themselves, and the farmers-borrowers should be able to pay back the loans, except during calamities and exceptional circumstances for which we should provide insurance.”

Pinalitan ito ni Marcos ng programang FIELDS na tungkol sa “fertilizers, infrastructure and irrigation, education and extension work, loans, drying and postharvest facilities, and seeds,” ayon sa artikulong “Masagana 99” ng CMD.

Ang FIELDS ay karugtong ng Masagana 99.

Inayos ng FIELDS ang naging pagkakamali ng Masagana 99 kung saan ang layunin pa rin ay ang kagustuhan ni Marcos na magtuloy-tuloy ang masaganang produksiyon ng bigas upang buhayin ng mga magsasaka ang mamamayang Filipino.

Ayaw ni Marcos ang importasyon sapagkat hindi bahagi ng “Bagong Lipunan” ang walang tigil na pag-angkat ng Filipinas ng bigas sa ibang bansa na nagaganap na mula pa noong sakop ang Filipinas ng mga dayuhan.

Inilunsad ni Marcos ang Bagong Lipunan makaraang umiral ang batas militar sa bansa dahil hangad niyang matanggal ang mga suliranin at sakit ng bansa na hindi na natanggal mula Rehimeng Commonwealth nina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña hanggang sa kanyang unang dalawang termino.

Muling naging paksa ang Masagana 99 nang inihayag ni Duterte noong 2016 na plano niyang maglunsad ng pang-agrikulturang proyekto na halaw sa nasabing proyekto ni Marcos.

Ganito ang introduksiyon ng kolum ni Javier noong 2016 nang talakayin niya ang Masagana 99: “This column was prompted by the announcement of the President that he will emulate the Masagana 99 rice program and the Biyayang Dagat fisheries program of the Marcos years to achieve his administration’s objective of food self-sufficiency.”

“Ang pahayag ni Duterte ay tumanggap ng [M]ixed reactions. For many small farmers and fisherfolk and some in the business sector, they welcome President Rodrigo Duterte’s statement as a firm commitment to pay more attention and devote more resources to the rural sector to raise productivity, create jobs and increase family incomes. Hence, squarely address our most pressing national problem of eradicating poverty,” patuloy ni Javier.

Inamin ni Malveda sa Daily Tribune na ginaya ng Leads ang Masagana 99, sapagkat bilib siya sa proyektong ito.

Idiniin niya na ipinatupad nila ang Masagana 99 kung saan nagbibigay rin sila ng suportang pinansiyal sa kanilang mga magsasaka tulad ng ignawa ni Marcos noong 1973 hanggang 1978.

Tinumbok ni Malveda na tanging Masagana 99 lamang ang pang-agrikulturang proyekto ng pamahalaan na tumaas ang produksiyon ng bigas.

Self-sufficient na, sagana pa ang bigas sa panahon ni Marcos

Muling  ipinaalala ni Dr. Javier ang napakagandang resulta at epekto ng Masagana 99 na naging self-sufficient at masagana ang bigas ng bansa noong 1973 hanggang 1979.

“[O]bjectively, what was the outcome of the Masagana 99 rice program? Contrary to detractor’s claims, the program actually achieved its avowed objective of growing more rice and achieving self-sufficiency, albeit for only a brief period immediately after the program was launched in 1973,” pahayag ni Javier.

Ipinaalala ni Javier na, “After M-99 was launched, [the] national average palay yields dramatically increased 10 percent during the wet season, and 25 percent during the dry season compared with the immediate preceding crop years… During crop year 1975–76, the Philippines finally attained self-sufficiency in rice production and was able to establish a 90-day buffer stock for food security purposes (Jesus Alix, Director, BAEcon).”

“In 1977–1978, the country produced a surplus which enabled it to export 89,000 metric tons to neighbors in Asia,” patuloy niya.

Binanggit naman ni So sa kalatas ng Sinag na “There was an increase of 10-percent yield per hectare during the wet season and 25-percent increase yield per hectare during the dry season under the Masagana 99 from 1974 to 1978, as compared to pre-Masagana from 1969 to 1974.”

Binanggit din ni So ang sinabi ni Javier na mayroong 89,000 metric tons na sobrang bigas ang bansa noong panahon ni Marcos na ipinadadala sa mga karatig bansa upang idiin ang puntong nahinto ang importasyon ng bigas.

Nabanggit ng CMD ang magandang eksportasyon ng bigas ng Filipinas  noong panahon ni Marcos.

Nangangahulugang kumita ang pamahalaan, mga negosyante at magsasaka sa nabanggit na proyekto ni Marcos.

Tumaas sa 75%  ang kita ng mga magsasaka

Sinabi ng CMD na pumalpak ang Masagana 99 sa usapin ng pagpapataas  ng kita ng mga magsasaka.

“Although Masagana 99 made the country self-sufficient in rice during the initial years, it failed to raise real farm income because the increase in total supply intensified the cost-price squeeze phenomenon that removed the intended profits in rice farming,” birada ng CMD sa artikulo nito ukol sa Masagana 99.

Hindi pinalawig ng CMD ang sinasabing dahilan ng binanggit nitong maliit ang kita ng mga magsasaka.

Ang tinukoy na pagtaas ng suplay ng bigas na idinikit sa relasyon ng ‘cost’  at ‘price’ ay hindi nangangahulugang depektibo at mali ang Masagana 99 sapagkat ang nagdesisyon sa resulta ng gastos at presyo ng bigas o ng anumang produkto sa palengke ay ang ‘pagkikiskisan’ ng gastos at presyo sa palengke na   tatama sa kita ng magsasaka at negosyante o trader.

Sa punto ng ekonomista, hindi puwedeng masyadong mataas ang presyo ng bigas kung maraming suplay ng bigas dahil labag ito sa “law of supply and demand.”

Ngunit mali ang impormasyong nakuha ng CMD.

Ayon kay Javier na higit na kabisado ang iba’t ibang parte ng buong katawan ng Masagana 99, hindi lang produksiyonn ng bigas ang tumaas, kundi “[the f]armer’s incomes per hectare likewise significantly increased.”

Umabot ito hanggang 75 porsiyento mula sa kita nila noong hindi pa inilunsad ang Masagana 99.

Inihalimbawa ni Javier ang Iloilo “… where hundreds of farmers carefully recorded costs and returns, Masagana 99 participants obtained 75 percent more income during the wet season and 55 percent more during the dry season compared with non-Masagana 99 growers.” (Itutuloy)

Comments are closed.