MATAAS NA SAHOD SA MGA OBRERO

Senador Cynthia Villar

KASABAY ng pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa,  iginiit ni Senadora Cynthia Villar na dapat na ibigay sa mga manggagawa ang mataas na sahod basta’t kakayanin ng mga negosyante.

Reaksiyon ito  ng senadora sa kahilingan ng mga labor group na P710 minimum wage increase.

Ayon kay Villar, tama lamang na maibigay sa mga manggagawa ang nararapat na sahod na kakayanin din ng mga negosyante para maging maganda ang buhay ng mga  ito at mabuhay rin ang negosyo sa Filipinas.

Handa rin ang senadora na pakinggan ang gagawing pag-aaral ng regional wage board sa panibagong kahilingan na wage increase ng mga labor group.

Samantala,  nananawagan si Senate Committee on Labor chairman Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment ( DOLE) na huwag isara ang pinto sa usaping posibleng pangalawang wage increase ngayong taon.

Tugon ito ni Villanueva sa na­ging pahayag ni DOLE Undersecretary Ciriaco Lagunzad III na hindi maaring magkakaroon ng panibagong pagtataas ng sahod nang wala pang isang taon matapos ang pagtataas nito.

Aniya, dapat na tingnang mabuti ng gobyerno at pag-aralan kung may sapat bang dahilan para magkaroon muli ngayong taon ng ikalawang wage in-crease sa mga manggagawa na aabot na sa P710.

Iginiit pa ng senador na dapat tingnan din ng pamahalaan ang socio at economic context sa pagtataas ng sahod.

Dapat din umanong pag-aralang mabuti ng Regional Wages and Productivity Board ang kahilingang P710 wage increase ng mga labors groups.

Isa sa nakikitang dahilan ng senador para sa wage increase ang patuloy na malnutrition na nararanasan ng mga ordinaryong pamilya na magpapatunay na hindi sapat ang sahod para sa pang-araw-araw na pangangailangan sa kalusugan.

Ipinunto pa ni Villanueva ang pag-aaral na ginawa ng Save the Children Philippines noong 2015 na 33% sa mga Pinoy ay malnourished na karamihan ay pamilya ng manggagawa.  VICKY CERVALES

Comments are closed.