Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
11 a.m. – UST vs FEU (Women Semis)
3:30 p.m. – UP vs AdU (Men Semis)
ISANG koponan ang wawakasan ang matagal na paghihintay na makapasok sa championship round sa bakbakan ng University of the Philippines at Adamson sa UAAP men’s basketball Final Four ngayong alas-3:30 ng hapon sa Araneta Coliseum.
Ang Fighting Maroons ay huling sumampa sa title round noong 1986, kung kailan nakopo nila ang kanilang nag-iisang post-war championship, habang ang huling Finals appearance ng Falcons ay noong 1992.
Ang mananalo sa UP-Adamson match ay uusad sa best-of-three championship series laban sa defending champion Ateneo simula sa Sabado sa Mall of Asia Arena.
Ang Blue Eagles ay 2-0 laban sa Maroons sa eliminations subalit na-split ang kanilang dalawang laro sa Falcons ngayong season.
Nadagit ng Ateneo ang unang championship berth sa pamamagitan ng 80-61 pagdispatsa sa Far Eastern University noong nakaraang Linggo.
Sa women’s step-ladder semis, sisikapin ng twice-to-beat FEU na maisaayos ang title duel sa National University sa pagsagupa sa No. 4 University of Santo Tomas sa alas-11 ng umaga.
Ginawa ang lahat sa kanilang unang Final Four appearance sa loob ng 21 taon, naipuwersa ng third-ranked UP ang twice-to-beat Adamson sa Final Four decider sa pamamagitan ng 73-71 panalo sa likod ng game-winning layup ni Bright Akhuetie.
Ayaw nang isipin ni coach Franz Pumaren ang kanilang pagkatalo kung saan umaasa ang Falcons na maibalik ang porma na nagpanalo sa kanilang head-to-head eliminations match-up kontra Maroons.
“Both teams are gunning for history, us making the Finals, same thing with UP. It’s gonna be a fun game. It’s gonna be a clas-sic game,” wika ni Pumaren.
Ang isang bagay na nagbibigay lakas sa Adamson ay ang panibagong tsansa na umabante sa Finals.
“That’s why during the whole season, we worked hard for (the twice-to-beat advantage). You know, we lost this game, but if you look at the other side of the coin, there’s still one more game,” ani Pumaren.