MATIRA MATIBAY (Blue Eagles vs Tigresses)

UAAP Season 81 women’s volleyball tournament

Laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
6:30 p.m. – UST vs Ateneo

NAGHARAP ang Ateneo at University of Santo Tomas sa pinakahuling UAAP women’s volleyball Finals noong 2019, kung saan namayani ang Katipunan-based spikers.

Muling magtatagpo ang landas ng Blue Eagles at ng Tigresses sa post-season, at sa pagkakataong ito, ang dalawang koponan ay maghaharap para sa survival sa first stage ng step-ladder semifinals ngayong araw.

Naghihintay ang second-ranked La Salle, ang Ateneo at UST ay magsasalpukan sa isang ‘do-or-die’ match sa alas-6:30 ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Makakabangga ng Lady Spikers, tangan ang twice-to-beat advantage sa second step-ladder stage, ang Blue Eagles, na winalis nila sa elimination round, o ang Tigresses, na na-split nila sa kanilang dalawang paghaharap ngayong season.

Ang powerhouse National University ay dumiretso sa Finals makaraang magwagi sa lahat ng kanilang 14 matches sa double-round elims. Ang Lady Bulldogs ay dalawang panalo na lamang mula sa pagkumpleto ng perfect 16-0 campaign at pagtapos sa 65-year old title drought.

Nakopo ng Ateneo ang kanilang ika-11 sunod na Final Four stint kasunod ng 25-20, 28-26, 25-22 pagdispatsa sa Adamson noong nakaraang Sabado.

Ang UST ay nasa third spot sa 9-5.

Para kay coach Oliver Almadro, ang Tigresses ay laging magiging malaking hamon para sa Blue Eagles.

“UST is a great team. Lagi naming sinasabi, great teams will just push us forward. They’re an intact team, they have a deep bench, and well-coached,” sabi ni Almadro, na target na ibigay sa Ateneo ang ikalawang sunod na korona at ika-4 sa kabuuan.