NANANATILING malakas ang suporta ng sambayanang Filipino kay Pangulong Rodrigo Duterte nang maitala ang 81 porsiyento o +73 “excellent rating” sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, lumilitaw sa resulta ng survey na nagtitiwala sa administrasyong Duterte ang mayorya ng mga mamamayan.
“It is noteworthy to mention that the result reveals an “excellent” rating in all geographic areas,” wika ni Panelo.
Nakikita aniya ng mga Filipino na nagtatrabaho nang husto ang Duterte administration lalo na sa pagtulong sa mga mahihirap, paglaban sa terorismo, pagpapaangat sa ekonomiya, magandang ugnayan sa mga rebeldeng Muslim at pagpapahalaga sa karapatan ng mga mamamahayag.
“All Filipinos are assured that the survey finding would not cause the Duterte administration to be complacent but instead serve as an inspiration for us to take another extra mile in rendering genuine service for our people and be a source of courage for our dedicated public servants in fighting the challenges that our country is facing today,” giit pa ni Panelo.
Ayon pa kay Panelo, tulad ng mga nagdaang survey at itong pinaka-latest na resulta ay isang malinaw na indikasyon na mayorya ng mga Filipino ay bilib sa transparent at responsive na administrasyong Duterte at nagagampanan nang buong husay partikular sa isyu ng mga sumusunod: helping the poor (+64); fighting terrorism (+61); developing a healthy economy (+53); reconciling with Muslim rebels (+51); at protecting the rights of the press (+50).
Sinabi pa ni Panelo na nananatiling nakapokus ang Pangulong Duterte na makamit ang minimithing ambisyon na mabigyan ng komportableng pamumuhay ang bawat Filipino at matamo ang inaasam na katahimikan at kapayapaan sa buong bansa. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.