MGA HALAMAN NI PIOLO WINASAK NG BAGYO

Masaya sana ang buhay-probinsya sa Batangas ng magaling na aktor na si Piolo Pascual. Gigising siya ng maaga, magdya-jogging, at panonoorin ang pagsikat ng araw – everyday – bagay na hindi niya nagagawa noong busy pa siya sa pag-arte.

Halos kalahati ng araw niya ay nauubos sa workout. Matagal na siyang mahilig mag-gym kaya ito na rin ang kanyang libangan liban sa bago niyang nakahiligang pagtatanim ng halaman. That’s right, plantito na rin ang 44-anyos na Kapamilya actor.

Umaga pa lang daw ay nagdidilig na siya ng halaman, matapos ang kanyang morning workout. Bale kasama raw sa workout niya ang pag-aalaga ng kanyang mga halaman. Malaki raw ang ipinagbago ng buhay niya mula nang maghalaman siya. Marami raw siyang halaman. Inaabot daw siya ng mahigit isang oras para madiligan lahat ang mga ito, at i-check sila isa-isa at upang masigurong buhay ang mga ito.

Noong una raw, isa sa mga major challenges niya ay ang pagtatanim ng halaman sa mabuha­nging lupa. Malapit kasi ang bahay niya sa beach kaya mahirap mag-alaga ng halaman, bukod pa sa maalat ang tubig, pati na ang hangin. Matagal daw bago siya nakabuhay ng halaman, kaya alagang- alaga niya ang mga ito. Ginalugad din ni Piolo ang Laguna, Bulacan, Para­ñaque, kahit pa sa buong Batangas pati na sa Tagaytay para lamang bumili ng halaman. Masaya na sana kaso may isang pangyayaring ikinadisma­ya niya.

“Minsan kasi, marami akong itinanim na halaman sa resort pero nasira  lahat dahil sa bagyo,” aniya. “At na-traumatized talaga ako.”

Pero hindi raw siya nadala. Nag-alaga pa rin siya ng halaman, hanggang finally, napagarbo rin niya ang kanyang mga tanim. “I guess it made me appreciate the value of patience and just the discipline, you know, of having to understand what I had to go through for them to thrive.” At napangiti ang Kapamilya star, dahil nagiging senti na raw siya. – KAYE NEBRE MARTIN

29 thoughts on “MGA HALAMAN NI PIOLO WINASAK NG BAGYO”

  1. A study done by Luthra et al 2003 showed that when aromatase- overexpressing mice were treated with high doses of letrozole for 6 weeks and allowed to conceive 2 weeks later, there was no difference between treated and control animals in terms of litter size, birth weight, and anomalies 19 clomid for bodybuilding For the Sox2 CreER; mT mG mice, cells were counted from two representative images per cochlea, both in the apical turn

  2. tadalafil cialis The patient, who suffered from a facial erythema at the end of the doxycycline treatment, was allowed to continue the study, since the symptoms were judged as mild to moderate, and they declined rapidly

  3. It’s too bad to check your article late. I wonder what it would be if we met a little faster. I want to exchange a little more, but please visit my site totosite and leave a message!!

  4. As I am looking at your writing, majorsite I regret being unable to do outdoor activities due to Corona 19, and I miss my old daily life. If you also miss the daily life of those days, would you please visit my site once? My site is a site where I post about photos and daily life when I was free.

Comments are closed.