(Mga mamimili binalaan ng bizmen) LECHON ONLINE SCAM

Mula sa pahina 1

Ayon kay, Ramon Ferreros, presidente ng La Loma Lechoneros Association, ang mga mamimili ay pinagdedeposito ng advance payment o pinagda-down subalit hindi naman idine-deliver, habang ‘yung iba naman ay payat na baboy ang ide-deliver.

Sa kasalukuyan ay nananatiling P8,000 ang pinakamurang lechon at P18,000 naman ang pinakamahal sa La Loma sa Quezon City, na pugad ng mga bilihan ng mga lechon.

Gayunman ay nagbabala ang mga lechonero na posibleng  tumaas pa ang presyo sa Disyembre 31 dahil sa inaasahang paglaki ng demand  at sa pagtaas ng presyo ng mga supplier.

Mahal umano ang hango ng mga biyahero sa mga baboy galing sa Visayas.

Nitong Pasko ay tumaas ang presyo ng lechon ng hanggang P1,000.

Nagbabala rin ang Quezon City Veterinary Department sa paglipana ng mga ibinebentang lechon na gumagamit ng baboy na umano’y “double-dead”.