(Mga Pinoy mabibigyan ng multiple entry) VISA SA KOREA PINADALI

visa

MAS pinadali na ang pagkuha ng visa sa South Korea upang makaakit ng mas maraming turistang Pinoy ang nasabing bansa.

Sa pagdiriwang ng ika-70 taong  pagkakaibigan ng Filipinas at South Korea,  sinabi ni  Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man,    na  inaasahan na mas magiging mas mahigpit ang diplomatic ties  ng dalawang bansa  lalo na sa mala­yang kalakalan.

Layunin ng South Korea na  maparami pa ang mga turista  lalo na ang mga Pinoy na nahuhumaling sa K-drama, K-pop, at iba pang kultura ng Korea.

“I think there are many potentials to increase tourism. So I asked my staff in charge of visa to simplify or to facilitiate these process so that more Filipinos will be able to visit Korea,” pahayag ni Dong-Man.

“Many Koreans love the Philippines…. In particular, the Filipinos are very friendly and very hospitable. That’s why 1.6 million Koreans visited this wonderful country,” dagdag ni Han.

Kasama sa pagsisimple  ng requirement sa visa ay proof of employment na lang ang kailangang ipasa ng mga kuwalipikadong propesyonal at nag-tatrabaho sa gobyerno.

“For qualified people such the business people, media people of course, and government officers, we give them a multiple visa at least five years or 10 years with one single document saying that I’m working in this company,” dagdag ng  ambassador.

Sinabi pa nito na ang sinumang Filipino na bibisita sa Korea ay  bibigyan ng multiple-entry visa. “Among the ASEAN countries, Philippines only is the country to be allowed of multiple-entry visa.”

Maari ring kumuha ng visa  papuntang South Korea sa  mga travel agency imbes na pumila  sa Embassy.

Bilang kapalit  ay magdadala naman ang Korean Embassy ng mas maraming Koreanong turista sa Filipinas.

“Koreans love the Filipinos and the Philippines, that is why last year 1.46 million Koreans visited this wonderful country. I made a promise to President Rodrigo Duterte to bring up to 2 million Korea tourists,” pahayag ni Han. ANGELO BAIÑO

Comments are closed.