PANDEMYA man ang kinakaharap ng bansa ngayon, hindi nagpapatinag ang team ng Milo Sports para ituloy ang adbokasiya na ipagpatuloy ang grassroots program tulad ng mga online at digital sports event lalo na kung para sa patuloy na karera sa sports at kalusugan ng mga bata ang isinasaalang-alang.
“Sa pamamagitan ng inspirasyong ibinigay ng mga veteran Olympians ay patuloy naming ipakikita sa mga digital sports program ang kanilang mga determinasyon at pagsisikap. The new program, ‘Mula noon hanggang ngayon, anuman ang panahon, tuloy ang pagiging champion’ ay ipinapakita namin ang mga iconic performance ng mga gymnastics, taekwondo, volleyball champion maging ang kanilang mga kuwento ng pagsisikap at determinasyon upang makamit ang inaasam na medalya, para ma-inspire ang mga bata,” wika ni Lester Castillo, ang assistant vice president ng Nestle Philippines sa TOPS Usapang Sports kahapon nang magsalita ito para itampok muli ang mga sports icon na hihikayat sa mga batang atleta at home-based participants na ituloy ang pagpapalakas ng katawan habang nahaharap sa pandemya.
Masayang ibinalita ni Castillo na may 15 milyon nang mga kabataan mula sa online digital platform ng Milo ang aktibong kabahagi ng kanilang programa mula noong 2020 hanggang ngayong 2021.
“Glad to inform you that we reached the 15 million Filipinos participated online and we’re hoping more Pinoy to join us and be inspired by iconic veterans to continue their journey in their selected sports.”
Para kay Pauline Lopez, ang 2019 SEA Games gold medalist, “This program, bringing back the motivation on me, despite the pandemic, inspires me to what I am doing and sharing it with young kids. I am thankful for all the support of Milo program, as we continue to train as well as on May going to Jordan, hoping to qualify for the Tokyo Olympics,” aniya bilang isa sa motivational model ng digital platform program.
Positibo naman si coach Stephen Fernandez ng taekwondo na magkukuwalipika ang Filipinas sa Olympics.
“Kung maibabalik ko lang, Milo, they never stop promoting sports, malaking bagay ang partnership program nila sa PTA habang hindi pa tayo nakakabalik sa face-to-face platform, so we have to make adjustment sa digital program na ganito. Eengganyo pa rin ang mga kabataan na pumasok sa sports thru digital. I have a very good feeling na magku-qualify tayo sa Olympics, despite the trying times, I’m hoping for the best, with the help of Milo, POC at PSC we will make it to the Olympics,” aniya
Comments are closed.