MISTER NAGBIGTI, MISIS AT LOVER MUMULTUHIN

SUICIDE-2

MAYNILA – BINANTAAN  pa ng isang mister, bago magbigti, ang kanyang misis at lover nito na mumultuhin kahit na nasa kabilang buhay na sa Ermita.

Bago magpatiwakal ay sinabi pa umano ng biktimang si Bien Navarro Carbos, 53,  ng 1148 J. Bocobo St., Ermita, na narinig pa ng kanyang anak na lalaki ang katagang “magpakamatay ako, dadalawin ko kayo, magkita-kita na lang tayo sa  impiyerno!”

Sa report ni PInsp. Glenzor Vallejo ng Manila Police District-homicide section, dakong 8:30 ng umaga nang madiskubre ng mga anak ng biktima na sina Briggs, Bryan at Grace na nakabitin na ang ama sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid na humingi pa ng saklolo ang magkakapatid at dinatnan pa ng mga tauhan ng Pedro Gil Police Community Precinct ang biktima na nakabigti sa loob ng bahay nito.

Bukod sa marka ng bigti sa leeg ay nakita rin na may sugat sa pulso ang biktima na indikasyong sinubukan pa nitong maglaslas.

Nalaman na ang dugong lumabas sa pulso ang mismong ginamit sa pagsusulat ng suicide note para sa kaniyang asawa na isa umanong barangay tanod sa kanilang lugar na lumayas umano sa bahay.         PAUL ROLDAN

Comments are closed.