MOM NI FRANCINE DIAZ RUMESBAK KAY ANDREA BRILLANTES

Tinalakan ng ina ni Francine Diaz na si Merdick Saenz Diaz si Andrea Brillantes dahil umano sa pagkakaladkad nito sa pangalan ng kanyang anak tuwing may kontrobersiya itong kinasasangkutan.

Ilang linggo na ka­sing puno ng kontrober­sya ang batang aktres, at lagi pang damay ang pangalan ni Francine kahit wala naman itong kinalaman sa nangyayari. Huling balita kay Andrea ay ang pagsagot niya sa basketball star na si Ricci Rivero pagkatapos ng UAAP game ng UP Fighting Maroons at FEU Tamaraws kamakailan.

Nagalit ang mga fans nila ni Seth Fedelin dahil tinalikuran umano nito ang “SethDrea” love­team. Pero ipinagtanggol naman siya ni Seth dahil alam daw niya ang totoo. Inamin ni Andrea na nagkarelasyon sila ni Seth na tumagal ng dalawang taon at tatlong buwan pero tapos na iyon. Totoo raw na nasaktan siya nang dumalaw si Seth kay Francine, pero hindi raw totoong nanugod siya sa dressing room.

Pero kahit nagpaliwanag na sina Andrea at Seth, nanggigigil pa rin si Mrs. Merdick Saenz Diaz, dahil lagi na lang silang umuunawa at nagtitiis sa pangungutya kay Francine dahil kay Andrea.

Galit din ang ina ni Francine kay Seth dahil hindi nito ipinagtatanggol ang kanyang anak kapag na-bash ito katulad ng pagtatanggol nito kay Andrea. Kung bakit daw naman kasi galit na galit si Andrea sa anak niya, e wala naman itong masamang ginagawa sa kanya.

 

ROBI DOMINGO DISAPPOINTED KINA KAI ESPINIDO, GAB SKRIBIKIN

Disappointed si PBB host  Robi Domingo kina Kai Espinido at Gab Skribikin sa mga maling sagot nila sa history quiz. Kahit kasi ang simpleng meaning ng GomBurZa ay hindi nila alam.

Dinaan man sa biro ni Robi ang disappointment, halata pa rin ito sa mukha ng host. Kasi naman, elementary pa lang ay itinuturo na sa Araling Palipunan ang GomBurZa, pero ang dalawang housemates, mas naala­la pa ang MaJoHa na isang hotel.

Ani Robi, “150 years after the martyrdom of the GOMBURZA, they have been renamed as MAJOHA,” biro niya sa kanyang post. “Sa una, nakakatawa. Sana, ma­ging daan ito para makita kung ano ang kakulangan sa sistema ng ating edukasyon.”

 

PANGANAY NI INA RAYMUNDO NA SI JAKOB PORTUNAK MAY TRAINING SA USA

Naki-bonding muna si actress Ina Raymundo sa anak na si Jakob Portunak bago niya ito pinayagang mag-training ng baseball sa Florida, USA.

Miyembro kasi si Jakob ng Canadian Junior National Team, at maglalaro siya laban sa Major League Baseball (MLB) teams sa panahon ng training.

Emotional din ang tatlo pang kapatid ni Jakob na sina Mikaela, 15, Anika, 11, at Minka, 9 dahil sa US na magpapatuloy ng pag-aaral ang kanilang kuya. Pero siniguro naman ni Ina sa mga anak na palagi pa ring uuwi si Jakob basta bakasyon.

“He will be playing for the Canadian Junior National Team against MLB affiliate teams in Florida,” pagmamalaki ni Ina.

Nag-aaral ang panganay ni Ina na si Erika sa Berklee College of Music sa Boston, habang si Jakob ay magiging D1 baseball player ng Xavier University sa Cincinnati, Ohio. Ang D1 ay Division I, ang pinakamataas na level ng intercollegiate athletics sa ilalim ng National Collegiate Athletic Association in the U.S.

 

PARENTS NI FRANKIE PANGILINAN, ‘HOW SWEET NAMAN’

Natutuwa si Frankie Pangilinan na kahit busy ang kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan sa pangangampanya ay sweet na sweet pa rin sila sa isa’t isa.

Naglalambingan sila kahit sa stage, at hindi raw ito pakitang tao dahil kahit sa bahay ay ganito rin sila, ayon kay Frankie. Kasalukuyang nasa New York si Frankie dahil sa kanyang pag-aaral kaya hindi ito nakakasama sa kampanya, pero lagi itong nakatutok sa nga post ng Megastar.

 

CLAUDINE  BARRETTO NA-BASH SA PAGSASABING MAKA-BBM SI RICO YAN

Katako-takot na batikos ang inabot ni Claudine Barretto nang sabihin nitong “true blooded Marcos” ang pangalan ng namayapang boyfriend na si Rico Yan.

Totoo man ito o hindi, umangal ang mga netizens dahil idinadawit pa raw nito ang patay sa pangangampanya.

Sabi pa ng aktres, hinahangaan daw noon ni Rico ang pamilya Marcos at maging ang ina ni Rico na si Teresita Castro-Yan ay maka-BBM rin.

Gayunman, uma­ngal ang mga netizens at sinabing galangin sana ni Claudine ang alaala ng patay, at good luck na lang sa kanyang kandidatura.

 

KD ESTRADA TINAWAG NA MARITES SI EIAN RANCES

Umalma si KD Estrada sa umano’y sablay na pagtrato ni Eian Rances kay Alexa Ilacad. Humirit si KD ng “marites ka parin tol” sa Twitter. Hindi malinaw kung ano talaga ang kanilang pinag-uusapan ni Eian at ng fans nito si Alexa, pero halatang napikon si KD.

Sa PBB House, nagkaaminan sina Eian at Alexa na may “crush” sila sa isa’t isa, pero naudlot iyon dahil sa ilang di pagkakaunawaan. Naging malapit sina Alexa at KD dahil naging close  ito sa dalaga nang mabasted ni Anji Salvacion. Nang lumabas sila sa PBB House, naging mas malapit sila sa isa’t isa.

Sa nangyayaring pali­ tan ng kumento ngayon sa Twitter, hati ang mga fans na bumabatikos at nagtatanggol kay Alexa. Pinutakti naman ng batikos si Eian dahil umano sa pangba-backbite niya kay Alexa sa group chat screenshot.

 

SOFIA ANDRES PUMATOL SA BASHERS “MAPUTI ANG ARMPIT KO”

Pinatulan ni actress Sofia Andres ang mga kumento ng netizens tungkol sa kanyang kili-kili na maitim ito kaya nag-zoom in siya para ipakita ito.

Kitang kita namang maputi ito at wala kahit anong mantsa, pero sa totoo lang, dapat bang patulan ang ganoong pangba-bash? Maganda siya, mahusay umarte, at may magandang career sa Kapamilya Channel, bukod pa sa may mga supporters na rin siya at fans. Normal lang naman na hindi lahat ng tao ay gusto siya. Konting self-confidence pa, Sofia, at huwag patola sa mga negatibong netizens.