(Mula Dis. 20 hanggang 23) OPERASYON NG LRT-1, 2, MRT-3 PINALAWIG

EXTENDED ang operating hours ng tatlong rail lines sa Metro Manila — LRT-1, 2 at MRT-3 — mula Disyembre 20 hanggang 23 sa gitna ng holiday rush.

Ang oras ng biyahe sa MRT-3, na tumatakbo sa kahabaan ng EDSA, ay extended hanggang 10:30 p.m. mula sa orihinal na  last trip schedule na 9:30 p.m. mula North Avenue Station at 11:05 p.m. mula 10:09 p.m. sa Taft Avenue Station.

Ang huling biyahe mula  LRT-1 Baclaran Station ay  10:45 p.m. na ngayon mula sa dating 10 p.m. habang sa  Fernando Poe Jr. Station ay 11 p.m. mula 10:15 p.m.

Sa LRT-2,  ang huling biyahe sa Antipolo Station ay pinalawig sa 10 p.m. mula 9 p.m. at  10:30 p.m. mula 9:30 p.m. sa Recto Station.

“Sa pagpunta ng mga tao sa mga party, reunion at iba pang gathering, ating ipalasap ang Christmas spirit na pagbibigay ng kasiyahan sa pamamagitan ng komportable, ligtas, at maaasahan transportasyon sa mga tren,” sabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa isang news release.

(PNA)