(Muling aarangkada simula ngayon) LIBRENG SAKAY SA EDSA BUSWAY

DOTR-BUS.jpg

MAGKAKAROON ulit ng li- breng sakay ang Department of Transportation (DOTr) para sa mga pasaherong apektado pa rin ng COVID-19.

Ito ay makaraang ipatupad ng DOTr ang ikatlong yugto ng Service Contracting Program na tutulong sa transport sector at communters sa tulong na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa ilalim ng Service Contracting Program, ang mga driver  at operator ng public utility vehicles (PUVs) ay tatanggap ng one-time payout at weekly payments, depende sa halaga ng layo ng biniyahe kada linggo at may pasahero man sila o wala, bilang kompensasyon sa libreng sakay na kanilang ipinagkaloob sa mga commuter.

Simula ngayong Abril 11, aabot sa 510 na mga bus ang ipakakalat sa EDSA Busway para mag-alok ng libreng sakay sa healthcare workers at Authorized Persons Outside Residence (APORs).

Bukod dito, target din nilang magbukas ng mga bagong ruta para sa libreng sakay sa PUVs sa ilan pang lugar sa bansa sa mga susunod na araw.

Ang Service Contracting Program Phase III ay ilulunsad sa ilalim ng General Appropriations Act 2022, na may kabuuamg pondong P7 billion na inilaan sa 13,000 hanggang 15,000 PUVs na may 1,000 ruta sa buong bansa.