MULING ipinatupad ng MRT-3 ang segregation scheme sa mga tren simula kahapon, isang araw bago magbukas ang klase ngayong Lunes, Agosto 22.
Ang segregation scheme ay ang paglalaan ng unang dalawang pintuan ng unang bagon para sa senior citizens, persons with disabilities (PWDs), buntis, at mga indibidwal na may kasamang bata.
Nakalaan naman ang huling tatlong pintuan ng unang bagon para sa mga babaeng pasahero, kasama ang mga babaeng estudyante.
Samantala, ang ikalawa at ikatlong bagon ng tren ay bukas para sa lahat ng uri ng pasahero.
Tiniyak naman ng MRT-3 na makakakuha ng 20% fare discount ang mga estudyanteng pasahero sa buong oras ng operasyon ng MRT-3.
Kailangan lamang nilang ipakita ang valid student ID o orihinal na enrollment/registration form sa pagbili ng ticket.
DWIZ 882