(Na-lockdown sa kanyang farm sa Batangas) GABBY CONCEPCION TINUBUAN NA NG BIGOTE AT BALBAS

ILANG buwan na rin palang naka-lockdown si Kapuso actor sa kanyang farm, sa Lobo, Batangas.showbiz eye

Sa isang video post ni Gabby sa kanyang Instagram, ipinasilip niya ang kanyang ‘Amang Lobo Homestead’ farm na doon siya naninirahan ngayon. Bukod sa ini-enjoy ni Gabby ang dagat ng Lobo, ipinakikita pa niya ang mga pananim niya, tulad ng saging saba, talong at oregano.  May mga alaga rin siyang mga hayop sa kanyang farmhouse. Ang nakatutuwa kay Gabby, hinahayaan niyang tubuan siya ng bigote at balbas, na bagay naman sa kanya.

At ngayong hindi pa rin siya puwedeng bumalik sa Manila dahil hindi pa sila makapagsimulang mag-taping ni Marian Rivera sa “First Yaya” romantic-comedy series nila sa GMA Nework, aayusin na raw niya ang kanyang jetski para magamit na niya ito.

May isang post din si Gabby sa IG niya na nakakapasyal daw naman siya sa ibang lugar sa Lobo, pero may kasama siyang bantay na sundalo, para tanungin ang mga pangangailangan ng ilang taga-roon.

 

RODJUN CRUZ AT DIANNE MEDINA NAGTATAGUYOD NG PPEs PARA MAKATULONG SA MGA MANANAHI

 MATAPOS mag-post ng good news ang mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina na they are expecting their first baby very soon, hindi rodjun and diannerin nakalimot ang mag-asawa na tulungan naman ang mga mananahi ng reliable at waterproof personal protective  suits (PPE) na gawa ng local residents. Nag-post sina Rodjun at Dianne sa kanilang Instagram na nakasuot ng mga PPEs at ang mapagbibilhan daw ng mga protective suits ay makatutulong sa sewers at delivery truck drivers at mga pamilya nila na apektado ng enhanced community quarantine, na as of April 24, ay ini-announce nang extended pa rin ito sa National Capital Region at iba pang lugar sa Luzon.

“This is also our own little way of helping them by promoting their products, thank you,” sabi pa nina Rodjun at Dianne.

 

GMA NETWORK TULOY SA PAGBABAHAGI NG PROGRAMANG NAPAPANAHON KAHIT WALA ANG REGULAR SHOWS

MARAMI mang mga programa sa GMA Network na nami-miss mapanood ng mga regular viewers nila, hinihintay na rin naman nila ngayon ang mga special reports tungkol sa COVID-19.  Nauna ngang ipinalabas last Saturday ang pakikibaka ni documentarist  Howie Severino, mamayang hapon naman, ang handog ng GMA Public Affairs ay ang “Vets On Call: ECQ” ng mga Born To Be Wild hosts Doc Ferds Recio at Doc Nielsen Donato na sumagot sa mga emergency calls upang sagipin ang buhay ng pets sa gitna ng ECQ, at 3:15PM.

Susundan ito ng” COVID-19: The Unseen” na special presentation ng Reporter’s Notebook at 4:05 PM.  Ipasisilip naman ng mga hosts na sina Maki Pulido at Jun Veneracion ang mga nangyayari sa isang medical facility sa Metro Manila at ang mga kuwento ng mga healthworkers doon.