(Nadala kay Macoy de Leon) ELISSE JOSON ‘DI PA RAW READY MAKIPAGRELASYON

ELISSE JOSON

UNOFFICIAL pa ang relasyon ni Elisse Joson kay Hashtag Jameson Blake. Madalasreflection kasi na si Jameson ang kasama ni Elisse kapag gumigimik. “We’re good friends,” sabi ni Elisse.

“Tapos lumalabas kami, pero, ngayon po kasi hindi masyado. Pero noon po kasi nakakalabas kami. Uhm, and ‘yun, kinikilala namin ang isa’t isa. Ganoon pa lang po ang kaya ko’ng i-describe.”

Inamin ni Elisse na ‘di pa siya ready na makipagrelasyon ulit pagkatapos ng relasyon niya kay Macoy de Leon.

“Uh, mahirap kasing makipagrelasyon. Parang ngayon ko na-realize na hindi ganoon kadali na, gusto mo siya, gusto ka niya. Tapos kayo na. Pwede namang hindi kayo. May iba’t ibang factors na dapat i-consider.”

Hindi naman daw siya nagka-trauma sa pakikipagrelasyon pagkatapos makipaghiwalay sa kanya si Macoy. Mas ‘yung feeling na natatakot siya main-love kasi baka pagdaanan niya ulit ang sakit na naranasan niya sa break up nila ni Macoy.

Pero willing naman daw siya to get to know other guys. Make friends with people dahil gusto niya talaga makipagkaibigan.

Nakausap namin si Elissa sa launch ng isang produkto na iniindorso niya.

Isa raw sa madalas mag-caress ng face ni Elisse noon ay ang ex-boyfriend niya na si Macoy. May nagwi-wish pa rin naman na magkabalikan sila ni Macoy.

“Kayo po ba ‘pag kayo, tatanggapin n’yo ba ulit,” may pait na sabi ni Elise. Tinanong namin si Elisse kung paano siya naka-move on sa breakup nila ni Macoy.

“Matagal-tagal. Mahirap din po,” malungkot na sagot niya.

“Uhm, pero totoo pala nga ang sinasabi nila, time. Siguro every day, it’s gonna get harder. Pero darating lang din po ‘yung time na, sa isang araw ten times mo iniisip. (Tapos) Darating ‘yung time paunti-unti. Five times na lang. Two times na lang. Hanggang sa kaya mo pala na hindi maisip.”

Para kay Elisse, tapos na talaga ang chapter ni Macoy sa buhay niya lalo pa’t may tsika na sila na ni Miles Ocampo.

“Uh, naririnig ko lang din po ‘yan from people, from fans, ganyan. Sa akin naman po, uh, if wala naman po tayong masasabi doon. Kasi labas na po ako doon.”

Wala raw talaga siyang naramdaman na hurt sa tsika kjna Macoy at Miles.

“Uh, siguro po hindi hurt feeling. Siguro po sa simula parang, nakakapanibago lang makita. Pero syempre wala naman, wala naman pong anything,” diin pa ni Elisse.

Comments are closed.