ILOCOS SUR – MATAPOS ang isang taong pagtatago, sumuko sa Criminal Investigation ang Detection Group (CIDG) ang fugitive vice mayor ng Cabugao nang makumbinsi ng pamilya nito na harapin ang kasong serious illegal detention noong Huwebes sa Candon City.
Kinilala ng CIDG ang fugitive Vice Mayor na si Jemaima Tan Yee, 42-anyos at isang medical doctor.
Base sa record ng korte, si Jemaima at ang mister na si Johann Tan Yee ay inisyuhan ng warrant of arrest ng Cabugao Regional Trial Court Branch 24 noong Oktubre 25, 2019 sa kasong serious illegal detention na isinampa ng pasyenteng si Aivon Guillermo.
Nabatid na si Guillermo ay nagpakonsulta sa Tan Yee Therapeutic Clinic na pag- aari ng mag-asawa kung saan hindi pinayagang makalabas hangga’t hindi bayad ang hospital bills sa loob ng anim na taon.
Base sa reklamo ng ina ng pasyente, ikinulong ng mag-asawa ang si Guillermo simula noong Enero 3, 2013 kung saan umabot ang pagka-kautang sa hospital na P294, 168.00.
At dahil sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng CIDG- Region 1 sa pamilya ng mag-asawang akusado ay nakumbinseng sumuko ang nasabing vice mayor. MHAR BASCO
Comments are closed.