(Nakapanginginig ng laman!) AIKO MELENDEZ SAGAD SA BUTO ANG KASA-MAAN BILANG KENDRA

UNTAKABLE ang mga wrongdoings ni Kendra (Aiko Melendez) kay Lilian Madrealsizzling bits (Katrina Halili) na pinalalabas niyang the brain behind the robbery of Lady Prima’s (Chanda Romero) antique jewelry collection.

Sa latest episode ng Prima Donna, ang kasumpa-sumpang lalakeng binayaran nina Kendra para idiin si Lilian na siya raw utak ng mga nakawang naganap ang nagsilbi pang witness.

Kaloka ever!

Alam kong it’s just but a story but somehow, I get so affected by the flow of the story, I am fast becoming emotional and infuriated because of these crooks, specially Kendra.

On Lady Prima’s part naman, napaka-gullible niya at madaling mapaniwala at mabola ng scheming na si Kendra.

Ang latest, pinahuli sa mga pulis si Lilian dahil sa panunulsol ng feeling concerned kunong si Kendra.

Sa isang banda, naka­iirita rin ang mga eksena ng evil personified na si Brianna (Elijah Alejo) na pinagbibintagan ng kung ano-ano si Lilian kaya to-do-react naman ang mga anak nitong sina Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan) at Donna Lyn (Sofia Pablo).

Mahirap talaga kapag ang kalaban mo ay mga taong utak kriminal. Kaya nilang baligtarin ang katotohanan at palabasing mga kriminal ang mga inosente.

Please don’t fail to watch Prima Donnas every day from Monday thru Friday after Magkaagaw and after Eat Bulaga every Saturday.

KC AT APL DE AP MAGDYOWA NANG TALAGA

PINAG-USAPAN ang mga kuha ni KC Concepcion sa Boracay wearing a provocative two piece swimsuit.

Suffice to say, nabura ang impression ng mga bashers na mataba raw supposedly si KC dahil fitted ang kanyang curves sa suot na bikini.

Appropriate ang description ng isang supporter ni KC na voluptuous ang anak ni Sharon Cuneta kay Gabby Concepcion and it only proves that one need not be too skinny to be categorized as sexy.

Napatunayan ding mukhang that intimate na si KC kay Apl de Ap. Habang tinitingnan kasi ng dalaga ang kanyang phone ay tumitingin lang sa kanya si Apl de Ap.

Kasal pala nina Jay R at Mica Javier kaya nasa Boracay si KC. Inilihim ang kasal ng dalawa kaya hindi ito napabalita.

Bukod-tanging si Billy Crawford lang ang naging honest enough to admit that he is in Boracay to attend to the wedding of JayR and Mica.

Still on KC, hindi pa rin makapaniwala ang nakararami na papatulan ni KC si Apl de Ap.

Ang sabi nga niyan, all is fair in love and i war!

‘Yun nah!

OVERSIZED BAG NI VICE MAS NAPUNA KAYSA SA PAGMAMAGANDA NIYA

HOW uproariously funny! Harharhar!

Last week, nag-post pala si Vice Ganda sa Instagram n’yang @praybeytbenjamin ng litrato n’yang naka-one-piece flaming red swimsuit na Gucci, with matching sunglasses (na Gucci rin siguro) at isang bag na parang bayong na pagkalaki-laki. Kuha ‘yun sa pagha-honeymoon nila ni Ion Perez sa Boracay kamakailan.

Ang nakatatawa, higit pang napuna nang nakarararami ang pagkalaki-laking bag na ‘yun kesa sa nagmamagandang si Vice na ang presyo raw ng Gucci flaming red swimsuit ayon sa Hyperbae website ay $490 ang bentahan sa online.

Meaning, ang katumbas nito ay P25,000 sa Philippine money!

‘Yung malaking bayong ay hindi native bayong but an imported oversized bag which is a product of Jacquemus, the luxury fashion label of French fashion designer Simon Porte Jacquemus.

“Le Sac Baci” raw ang tawag sa bag na ‘yon and it costs $790 or P41,000.

Laban ka? Hahahahaha!

Buti na lang, he’s into charity as well. May mga biglaang binibigyan n’ya ng scholarship, ipinare-repair ang sirang bahay ng isang contestant, o niriregaluhan ng all-expenses paid na bakasyon sa Baguio ang isang buong pamilya na ni minsan ay ‘di pa nakarating ru’n.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

Comments are closed.