NAKAKOLEKTA ang Bureau of Customs (BOC) ng P8.35 billion mula sa rice import tariffs sa unang limang buwan ng taon.
Ayon sa Department of Finance (DOF), ang latest collections mula sa rice import tariffs ay mas mataas ng 14 porsiyento kumpara sa P7.32 billion na nakolekta mula Enero hanggang Mayo 2021 sa likod ng 37 porsiyentong pagtaas sa import volumes.
Sakop ng latest collections ang 1.43 million metric tons ng bigas na inangkat sa naturang panahon, o mas mataas ng 36.9 porsiyento sa 1.04 million metric tons na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
“The BOC managed to keep its collections on rice import tariffs on track despite the continued drop in the average value of rice in the world market,” ayon sa DOF.
Ang global average price ng bigas ay pumalo sa P16,712 per metric ton sa unang limang buwan ng taon, mas mataas sa P19,977 per metric ton noong 2021.
Ang Rice Tariffication Law ay ipinatupad noong March 5, 2019. Ang batas ay nagpapataw ng 35 porsiyentong taripa sa imports mula sa mga kapitbahay sa Southeast Asia. Nilagdaan ito ni Presidente Rodrigo Duterte noong Pebrero ng kaparehong taon.
Pinapayagan din ng batas ang unlimited importation ng bigas hanggang may phytosanitary permit ang private sector traders mula sa Bureau of Plant Industry at magbabayad ng 35-percent tariff para sa shipments mula sa mga kapitbahay sa Southeast Asia.
Naglaan ang batas ng P10 billion para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), kung saan P5 billion ang ilalaan para sa farm mechanization at P3 billion sa seedlings.