APAT na players para sa NBA-leading Jazz ang umiskor ng hindi bababa sa 25 points sa 129-115 panalo ng Utah kontra Milwaukee Bucks noong Biyernes ng gabi sa Salt Lake City.
Nakopo ng Utah ang ika-6 na sunod na panalo at ang ika-17 sa 18 laro.
Nagposte sina Rudy Gobert at Joe Ingles ng tig-27 points upang pangunahan ang Jazz. Tumapos si Donovan Mitchell na may 26 sa kabila ng 6-of-20 shooting mula sa field, at nagdagdag si Jordan Clarkson ng 25 points mula sa bench.
LAKERS 115,
GRIZZLIES 105
Nagbuhos si Anthony Davis ng 35 points at 9 rebounds, at pinalawig ng Los Angeles Lakers ang kanilang winning streak sa pitong laro nang pataubin ang bisitang Memphis Grizzlies, 115-105.
Naipasok ni Davis, bumalik mula sa two-game absence dahil sa Achilles soreness, ang 16 sa 27 shots mula sa floor at binura ng Lakers ang 20-point deficit tungo sa panalo.
Nakalikom si LeBron James ng 28 points, 9 rebounds at 8 assists, at nag-ambag si Kyle Kuzma ng 20 points at 10 rebounds, lima ay sa offensive end.
SPURS 125,
HAWKS 114
Naitala ni DeMar DeRozan ang 22 sa kanyang 23 points sa first half at pitong players ng bisitang San Antonio Spurs ang umiskor ng double figures nang maitakas ang 25-114 panalo laban sa Atlanta Hawks.
Hindi naghabol ang Spurs, kung saan lumamang ito ng hanggang 42 at pinaglaro ang mga reserve sa fourth quarter tungo sa kanilang ika-4 na panalo sa huling limang laro.
Si DeRozan ay 7-for-11 mula sa field at nagdagdag ng 8 assists at 6 rebounds. Ang Spurs ay nakakuha ng 20 kay Keldon Johnson, 16 points at 6 rebounds kay Dejounte Murray, 14 points, 12 rebounds at 3 blocks kay Jakob Poeltl, 12 points kay Patty Mills at tig-11 points kina Derrick White at Lonnie Walker IV.
Sa iba pang laro ay ginapi ng Dallas Mavericks ang New Orleans Pelicans, 143-130, at pinayuko ng Orlando Magic ang Sacramento Kings, 123-112.
Comments are closed.