NCAA: BLAZERS ‘DI MAAPULA

Standings W L
Benilde 6 1
LPU 5 1
JRU 4 2
San Beda 4 2
Arellano 4 3
Perpetual 4 3
Letran 3 3
SSC-R 2 3
EAC 0 6
Mapua 0 8

Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – San Beda vs Arellano
3 p.m. – JRU vs LPU

NAIPOSTE ng College of Saint Benilde ang kanilang ikalawang three-game winning streak sa NCAA men’s basketball tournament sa 73-64 panalo kontra Mapua nitong Miyerkoles sa Filoil EcoOil Centre.

“This is a great confidence booster for us kasi we wanted to display and show people na we can beat any team, especially ‘yung naka-Finals at naka-Final Four and I think it will help us in our upcoming two games,” wika ni Corteza, na pinangunahan ang Blazers na may 17 points at 4 rebounds.

Makakasagupa ng Benilde, ns umangat sa league-best 6-1 record sa kanilang huling dalawang laro ang San Beda sa Linggo at Jose Rizal University sa October 14.

Nakalikom si Migs Oczon ng 14 points, 8 rebounds at 2 steals habang nag-ambag si Ladis Lepalam ng 10 points at 5 rebounds para sa Blazers.

Masaya si Corteza sa balanced offense ng Blazers na pangunahing susi sa kanilang impresibong first round campaign.

“I think everyone sa team namin can score,” ani Corteza. “Coach Charles (Tiu) also gives us the green light. Everyone the green light to shoot if it is open and pass it out if sobrang nakaka-pressure na and like if nado-double.”

“I think coach Charles has the confidence in everyone to make a play and score.”

Nalasap ng last season’s runner-up Cardinals ang ika-8 sunod na kabiguan. Tatapusin ng Mapua ang kanilang first round campaign kontra Emilio Aguinaldo College, may 0-6 marka, sa duelo ng winless squads sa Sabado.

Nanguna si Rence Nocum para sa Cardinals na may 15 points, 7 rebounds at 3 assists, tumipa si Warren Bonifacio ng double-double outing na 14 points at 11 rebounds habang kumubra si Arvin Gamboa ng 11 points at 7 boards.

Sa ikalawang laro ay balik ang defending NCAA champion Colegio de San Juan de Letran sa win column makaraang gapiin ang Sebastian College, 77-69.

Limang players ang umiskor ng double-digits para sa Knights na pinutol ang two-game losing skid at umangat sa 4-3.

Nanguna si King Caralipio na may 13 points, habang nagdagdag sina Louie Sangalang at Rafael Go ng tig-11 markers.

Iskor:
Unang laro:
Benilde (73) — Corteza 17, Oczon 14, Lepalam 10, Sangco 8, Gozum 8, Nayve 6, Carlos 4, Pasturan 3, Cullar 3, Marcos 0, Flores 0.
Mapua (64) — Nocum 15, Bonifacio 14, Gamboa 11, Salenga 7, Lacap 6, Pido 5, Garcia 4, Hernandez 2, Agustin 0, Parinas 0, Soriano 0.
QS: 18-11, 29-29, 43-32, 73-64

Ikalawang laro:
Letran (77) — Caralipio 13, Sangalang 11, Go 11, Paraiso 10, Monje 10, Yu 9, Reyson 5, Olivario 3, Tolentino 3, Santos 2, Bojorcelo 0, Ariar 0, Guarino 0.
SSC-R (69) — Escobido 18, Calahat 17, Desoyo 8, Villapando 7, Shanoda 7, Sumoda 5, Concha 3, Felebrico 2, Cosari 2, Altamirano 0, Aguilar 0, Una 0, Yambing 0.
QS: 14-17, 38-31, 58-44, 77-69.