NCAA: LADY BOMBERS BINOMBA ANG LADY ALTAS

Standings W L
CSB 5 0
Arellano 5 1
SSC-R 4 1
Mapua 3 2
JRU 3 3
LPU 3 3
Perpetual 2 4
San Beda 1 4
EAC 1 5
Letran 1 5

Mga laro bukas:
(Paco Arena)
12 noon – CSB vs SSC-R
2:30 p.m. – Mapua vs San Beda

NAGNINGNING si Dolly Verzosa nang pataubin ng Jose Rizal University ang University of Perpetual Help System Dalta, 25-19, 25-20, 20-25, 18-25, upang putulin ang three-match slide sa NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa Paco Arena.

Nakataya ang Final Four bid, nagbuhos si Verzosa ng 17 points, 23 digs at 13 receptions upang umangat ang Lady Bombers sa 3-3 at makisalo sa ika-5 puwesto.

“I’m so happy sa outcome ng game namin,” sabi ni Verzosa, na nasa kanyang huling taon sa JRU.

Pinapurihan ni coach Mia Tioseco si Verzosa para sa liderato na kanyang ipinakita para sa Lady Bombers.

“Alam ko naman na kaya niya from the very beginning,” pahayag ni Tioseco patungkol kay Verzosa.

Sa iba pang laro, sa wakas ay nakapasok ang Emilio Aguinaldo College sa win column sa pamamagitan ng 26-28, 25-17, 27-25, 25-17 panalo kontra Lyceum of the Philippines University.

Kumana si Riza Rose ng 5 blocks at 2 service aces upang tumapos na may 12 points habang nag-ambag sina Renesa Melgar at May Ruiz ng tig-10 points para sa JRU, na naghahabol sa walang larong Mapua (3-2) ng kalahating laro lamang.

Nahulog ang Lady Altas, na pinangunahan ni Mary Rhose Dapol na may 10 points at 13 digs, sa 2-4 kartada.

Isang batang koponan na may nais patunayan ngayong season, nakahinga nang maluwag si coach Rod Palmero makaraang putulin ng Lady Generals ang five-game losing skid.

“Masaya ako para sa kanila,” sabi ni Palmero matapos ang laro.

Nanguna si Krizzia Reyes para sa EAC na may 24 points, 13 digs at 6 receptions habang sinundan ni Cathrine Almazan ang kanyang 28-point outing kontra San Beda ng 14 points.

Ang pagkatalo, ikatlo sa anim na laro, ay nag-alis sa Lady Pirates sa top four range, at nakatabla ang Lady Bombers sa fifth spot.