Standings W L
CSB 3 0
SSC-R 3 1
Arellano 3 1
Perpetual 2 1
Mapua 2 1
JRU 2 2
LPU 2 2
Letran 1 3
EAC 0 3
San Beda 0 4
Mga laro ngayon:
(Paco Arena)
12 noon – Perpetual vs Mapua
2:30 p.m. – EAC vs CSB
TARGET ng College of Saint Benilde ang ika-4 na sunod na panalo sa pakikipagtipan sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA women’s volleyball tournament ngayong Biyernes sa Paco Arena.
Umaasa ang Lady Blazers na maipagpapatuloy ang perfect run sa 2:30 p.m. duel sa Lady Generals.
Magtutuos naman ang University of Perpetual Help System Dalta at Mapua sa unang laro sa alas-12 ng tanghali kung saan ang mananalo ay makakasagupa ng walang larong San Sebastian at Arellano University sa 3-1.
Sa likod nina outside hitters Gayle Pascual at Mycah Go, ang CSB ay nangunguna sa liga sa spiking. Ang Taft-based squad ay bumabandera rin sa blocking, setting at receiving departments.
Ang EAC ay hindi pa nananalo ng set ngayong season at umaasang maiaangat ang laro para makasilat sa CSB.
Ang Lady Altas at Lady Cardinals, kapwa may 2-1 record, ay umaasang maipagpapatuloy ang pagbangon mula sa season-opening losses.