NCAA: MAPUA SALO SA MGA LIDER

NAKOPO ng Mapua University Cardinals ang ikatlong sunod na panalo makaraang mapigilan ang mainit na paghahabol ng San Sebastian, 65-59, sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa La Salle Green Hills Gym.

Sa panalo ay umangat ang Mapua sa 3-0 upang samahan ang Letran at San Beda sa ibabaw ng team standings.

Nanguna si Warren Bonifacio para sa Cardinals na may 16 points at 14 rebounds habang nagdagdag si Brian Lacap ng 14 points at nagpamalas si Paolo Hernandez ng all-around performance na 12 points, 8 rebounds, 4 assists, at 2 steals.

Nagbida naman sa Stags sina JM Calma at Ichie Altamarino, na kapwa tumapos na may 10 points. Kumalawit din si Calma ng 9 rebounds.

Sa ikalawang laro ay muling sumandal ang De La Salle-College of Saint Benilde sa duo nina Will Gozum at Robi Nayve upang pataubin ang Emilio Aguinaldo College, 78-68.

Tumapos si Gozum na may panibagong double-double na 18 points at 10 rebounds habang umiskor din si Nayve ng 18 — 8 sa fourth quarter — upang pangunahan ang CSB sa panalo.

Naitala ng  Blazers ang ikatlong sunod na panalo at umangat sa 3-1 sa standings habang bumagsak ang Generals sa 1-3.

Iskor:

Unang laro:

Mapua (65) – Bonifacio 16, Lacap 14, Hernandez 12, Nocum 8, Mercado 6, Pido 4, Garcia 2, Agustin 2, Mila 1, Sual 0.

San Sebastian (59) – Calma 10, Altamirano 10, Calahat 8, Villapando 8, Sumoda 6, Dela Cruz 6, Cosari 6, Are 2, Shanoda 2, Felebrico 1, Una 0, Desoyo 0, Loristo 0, Abarquez 0, Gabat 0

QS: 7-12, 29-23, 53-41, 65-59

Ikalawang laro:

CSB (78) – Nayve 18, Gozum 18, Marcos 10, Carlos 10, Corteza 6, Publico 6, Benson 6, Sangco 2, Mosqueda 2, Cullar 0, Lim 0, Lepalam 0, Flores 0.

EAC (68) – Robin 21, Luciano 13, Liwag 10, Doria 8, Maguliano 6, Taywan 3, Cosejo 3, Cadua 2, Bunyi 2, Cos 0, Quinal 0.

QS: 21-14, 38-36, 58-48, 78-68