NCAA: MAPUA SOLO THIRD

Standings                            W    L

Letran                  5     0

San Beda                            5     0

Mapua                 5     2

CSB                       4     3

EAC                       3     3

Arellano                              2     4

Perpetual                            2     4

SSC-R                    3     4

LPU                       1     5

JRU                       1     6

 

Mga laro ngayon:

(La Salle Greenhills Gym)

12 noon – Perpetual vs San Beda

3 p.m. – EAC vs Letran

LUMAYO ang Mapua sa second quarter upang gapiin ang  College of Saint Benilde at kunin ang solo third place sa NCAA men’s basketball tournament nitong Martes sa  La Salle Greenhills Gym.

Umiskor si Brian Lacap, nasa kanyang ikalawang sunod na start makaraang matalo ng dalawang sunod ang Cardinals, ng game-high 22 points sa 8-of-13 shooting na sinamahan ng 4 rebounds, 4?steals at 2 assists.

Sa totoo lang, medyo pressure siya,” sabi ni Lacap, na naging starter din sa 95-83 panalo ng Mapua kontra University of Perpetual Help System Dalta bago ang  Holy Week break.

“Kapag first time, good start ka para mahawa ang bench,” dagdag pa niya.

Ang panalo, ika-5 sa pitong laro, ay nagbigay sa Cardinals ng pag-asa na makasambot ng isa sa dalawang outright Final Four berths. Ang Mapua ay nasa likod ng  joint first placers Letran at San Beda.

Nahulog ang Blazers, natalo ng dalawang sunod, sa fourth spot na may 4-3 marka.

Sumandal ang Cardinals, sinimulan ang season sa 3-0 bago na lumasap ng mga talo, kina Paolo Hernandez at Rence Nocum.

Kumana si Hernandez ng 17 points, 7 boards, 2 steals at 2 assists habang nagdagdag si Nocum ng 14 points.

Naiposte ni Will Gozum ang kanyang ikalawang sunod na double-double na may 13 points habang nag-ambag sina Miggy Corteza at AJ Benson ng 11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod, para sa CSB.

Sa ikalawang laro ay pinataob ng San Sebastian College-Recoletos ang Rizal University, 70-64.

Iskor:

Mapua (84) — Lacap 22, Hernandez 17, Nocum 14, Agustin 9, Gamboa 8, Pido 6, Mercado 4, Bonifacio 4, Asuncion 0, Salenga 0, Milan 0, Garcia 0, Soriano 0.

CSB (65) — Gozum 13, Corteza 11, Benson 10, Carlos 8, Nayve 6, Davis 5, Marcos 4, Cullar 4, Lepalam 3, Flores 1, Mosqueda 0, Sangco 0, Publico 0, Lim 0.

QS: 19-19, 39-30, 62-47, 84-65