NCAA: UNANG GOLD NASIKWAT NG ARELLANO

Stanley Roy Laguio

NAKOPO ng Arellano University ang kanilang unang gold medal nang pagharian ni Stanley Roy Laguio ang bantamweight division ng speed kicking sa aksiyon sa taekwondo sa NCAA Season 96 noong Huwebes.

Nagtala si Laguio ng average score na 6.583 points upang gapiin sina San Sebastian College’s Axl Zerrudo (6.442 points) at San Beda University’s Michael Christian Macario (6.383), na nagkasya sa silver at bronze medals, ayon sa pagkakasunod.

Ang podium finish ni Zerrudo ay naglagay rin sa Stag sa medal tally sa men’s online competition na napapanood sa GTV channel ng GMA-7, ang bagong broadcast partner ng liga.

Kasalukuyang nangunguna ang Red Jins sa medal standings na may 1-1-3 gold-silver-bronze haul, pumapangalawa ang College of St. Benilde Blazers na may isang gold at isang bronze.

Isa pang Chiefs bet, si Carl Louie Ayaton, ang pumang-apat na may  6.342.

Ang iba pang finishers ay sina Gianne Kyle Sarmiento Legaspi ng San Beda (6.308), John Jezra Lorena Sasutona  ng Jose Rizal University (5.950) at Kian Graydon Ashe (5.917) ng CSB.

Ang speed kicking competition sa men’s division ay magpapatuloy hanggang June 29, na susundan ng  women’s category sa June 30-July 5.

8 thoughts on “NCAA: UNANG GOLD NASIKWAT NG ARELLANO”

  1. 113008 378603Youre so cool! I dont suppose Ive learn something like this before. So excellent to search out any person with some special thoughts on this topic. realy thanks for starting this up. this site is one thing thats wanted on the net, somebody with a bit originality. helpful job for bringing one thing new towards the internet! 319743

Comments are closed.