NEGOCC PINAG-AARALAN ANG PAGTULONG SA LIVESTOCK, POULTRY SECTOR

LIVESTOCK-POULTRY

PATULOY ang paghahanap ng paraan ng Provincial Veterinary Office (PVO) dito sa Iloilo City para lalong mapaunlad ang sektor ng paghahayupan at manukan sa Negros Occidental.

Sinabi ng provincial veterinarian na si Renante Decena sa isang panayam kamakailan na nagsasagawa sila ng buwanang consul-tative meetings bilang bahagi ng inisyatibo ng provincial government na makaprodyus ng mas maraming livestock at poultry prod-ucts.

Nagkaroon ng  hu­ling miting na ginanap noong Pebrero 27 sa Victorias City na dinaluhan ng PVO personnel, city veterinari-ans, municipal agriculturists at livestock technicians.

“We are banking on the active participation of all stakeholders involved in livestock and poultry production,” sabi ni Decena.

Dagdag pa niya, na ang consultative meetings ay binibigyang-diin ang animal diversification at livelihood program ng probinsiya.

Ang estratehiya ng pagbabalangkas ay tumutukoy sa limang pa­ngunahing bagay tulad ng black pigs, dairy at beef cattle, broiler production, layer at free-range chicken.

Kaugnay ng papalapit na “Panaad sa Negros Festival” sa Abril, magsasagawa ang PVO ng iba’t ibang gawain tulad ng live an-imal exhibits at ibang programa na nangangailangan ng kooperasyon ng local government units.

Higit pa rito, na­dagdagan ang kaalaman ng PVO veterinarians na nagpalawak pa ng kanilang partisipasyon sa nakaraang 86th Scientific Conference and Annual Convention sa Iloilo City.

Pinangunahan ni Decena ang delegas­yon mula sa probinsiya noong tatlong araw na okasyon na inorganisa ng Philippine Veter-inary Medical Association (PVMA), kung natuto sila ng mga bagong teknik tungkol sa prevention, diagnosis at treatment ng iba’t ibang sakit ng mga hayop.

Nakakuha rin sila ng updates tungkol sa sumusulpot at muling dumarating na sakit ng mga hayop tulad ng African Swine fever, na posibleng maging sanhi ng malakas na impact sa livestock at poultry industry.

Sinabi ng PVO na isa sa malaking alalahanin na kinakaharap ng mga propesyunal na beterinaryo ay ang pagpapaunlad ng anti-microbial resistance dala ng walang pinipiling paggamit ng antibiotics sa food animals, kung saan ang standard treatments ay hindi nagiging epektibo, patuloy na impeksiyon, at lumilikha ng posibilidad na pagkalat nito.

Layon ng PVMA na magpaunlad ng mga patakaran para maiwasan ang lalong pagsulpot at pagkalat ng antibiotic resistance at magpalakas ng implementasyon ng polisiya sa responsableng paggamit ng anti-biotics sa veterinary practice, ani pa.   PNA

Comments are closed.