TINIYAK ni Mindanao Development Authority (MINDA) Chairperson Secretary Datu Abul Khayr Dangcal Alonto na hindi nakaapekto sa pagnenegosyo sa buong bansa ang nangyaring Marawi crisis.
Sa ginaganap na International Food Exhibition (IFEX) 2018, siniguro ni Alonto na umaangat ang Mindanao sa anumang larangan ng pagnenegosyo at hindi nakaapekto sa ekonomiya nito ang naganap na kaguluhan sa Marawi.
Ayon kay Alonto, umangat pa nga ang productivity ng Mindanao mula 6.4 porsiyento ay naging 7.21 porsiyento.
Samantala, umaasa si Trade and Industry Promotions Group at OIC-Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) Usec. Nora Terrado na makatutulong ang IFEX sa pagpo-promote ng small and medium enterprises o SMEs sa mas malawak na merkado sa loob at labas ng bansa.
Bukod dito, kasama rin sa food exhibition ang local food products sa ibang mga bansa sa Asya.
Kasama rin sa nagpasinaya sa IFEX ng DTI-CITEM sina Philfoodex President Roberto Amores at Philexport President Sergio Ortiz-Luis Jr.
Nagsimula noong Mayo 25, ang IFEX na ginaganap sa World Trade Center sa Pasay City ay magtatapos ngayong araw. CONDE BATAC
Comments are closed.