NETIZENS NALOKO SA ‘PROPOSAL’ NI MIKAEL DAEZ KAY MEGAN YOUNG

SHOOKT! Ito ang reaksiyon ng mga follower nina Megan Young at Mikael Daez sa recent photo na in-upload ng huli sa kanyang Instagram account. Tanong ng marami: Sina Megan at Mikael na ba ang susunod sa showbiz couple na ikakasal?

Si Mikael naman kasi, nakakaloka ang caption sa photo nila ni Megan habang hawak ang kamay ng girl-friend: “OMG! We did it!!!” Yun pala, ito ay post tungkol sa inakyat ng dalawa na burol. Mara­ming fans ang umasa at na-excite sa posibilidad na nag-propose na si Mikael sa kanyang girlfriend at The Step-daughters co-star na si Megan. Naku, false alarm lang pala! Pero kailan nga kaya ang totoong proposal, Mik?

Samantala, sa pagpasok ng mahusay na aktor na si Edgar Allan Guzman sa GMA Afternoon Prime se-ries, balita namin ay may mabigat siyang papel dito bilang si Froilan. Kaiinisan ka ba namin, EA?

On the other hand, nagshare si Edgar kung paano siya tinanggap ng cast ng The Stepdaughters. “Ako actually, gusto ko mag-thank you sa kanila kasi pina-feel nila sa ’kin na welcome ako sa show. First tap-ing day pa lang, second taping day pa lang, kinausap na nila ako.” Good for you, Edgar!

YASMIEN KURDI MAY BABALA SA AVID VIEWERS NG ADVOCASERYE

ISA pang kaabang-abang tuwing hapon sa GMA ay ang advocaserye na Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Bi-nalaan kasi ni Yasmien Kurdi ang avid viewers ng serye na dapat silang maghanda ng tubig at baka mauhaw sila sa init ng mga eksenang mapanonood dito.

Exciting kasi ang mga kaganapan dahil nalaman na ni Marco (Mike Tan) ang katotohanan matapos ipag-tapat ni Lawrence (Martin del Rosario) ang lahat sa kanya. Ang tanong ng lahat: paniwalaan kaya ni Marco ang rebelasyon na ito ni Lawrence? Makakatakas pa kaya si Ava (Jackie Rice) at malusutan ang kanyang kasinunga­lingan? Dapat nang mag­handa sila Adel (Gina Alajar) at Ava (Jackie) sa resbak ni Thea (Yasmien) dahil hindi na siya magpapaapi sa mga ito at lalaban na siya nang todo.

In pernes, ang taas ng rating sa TV viewers itong serye nilang Hindi Ko Ka­yang Iwan Ka sa direction ni Neal Del Rosario sa true lang. Pak, yun na!

Samantala, todo pasasalamat si Yasmien sa magandang pagtanggap ng viewers sa kanilang programa lalo pa ngayon na patuloy ang paghataw nito sa ratings.

“Maraming salamat po sa magandang pagtanggap niyo sa show namin. Papagandahin pa po namin lalo promise! Salamat po sa lahat ng suggestions niyo for the show. Mahal na mahal po namin kayo,” men-sahe ni Yas sa kanyang Instagram. K, copy.

LEANNE BAUTISTA SMALL BUT TERRIBLE SA THE CURE

SA PAGHARUROT ng The Cure sa primetime, inaabangan kung paano malulutas ang problema sa can-cer at hindi makapag­hintay ang viewers sa mga magiging conflict ng show. Pero hindi maiwasang mabaling ang atensiyon namin sa young star na si Leanne Bautista dahil hindi ito ang unang beses na nakaagaw ng pansin ang bagets.

Bukod sa pagiging cute nito on screen, napaka-promising din ng performance niya sa Mulawin pa lang kaya ngayon ay hinihintay na ang pagi­ging bida niya sa The Cure. Nakikipagsabayan kasi ang chikiting na ito sa level ng acting  ng mga magulang niya sa serye na sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez, kaya talagang isa siya sa mga child star to watch out for ha! Hindi malayong maging suki na rin siya ng iba pang shows ng Kapuso Network dahil tuwing may bago siyang show ay kitang-kita ang kanyang im-provement.

Keep up the good work, Leanne!

 

 

 

 

 

 

Comments are closed.