NO OFFENSE meant to Jane de Leon for she’s a beauty and I was told, a very promising actress as well, but I think she will go down in history as the only Darna with a starlet status.
Mula kasi kay Rosa del Rosario, down to Eva Montes, Liza Moreno, Gina Pareño, Vilma Santos, Nanette Medved up to the brown skinned Anjanette Abayari, the exotic Angel Locsin, down to the drop-dead-gorgeous Marian Rivera, all of them are big-named personality.
Ngayon lang sa history ng Darna movie magkakaroon nang starlet Darna at parang hindi siya ka-level ng mga nauna.
But then, ‘yan ang gusto ng Star Cinema and who are we to question their decision?
‘Yun nga lang, parang nakaiilang na nameless si Darna this time. Hahahahaha!
Kumbaga, ngayon lang nagkaroon ng Darna na walang gaanong pangalan, in as much as she is beautiful and talented, so I was told.
Anyhow, dapat sigurong ang kalaban ni Darna ay mga big-named personality tulad ni Anne Curtis as Babaeng Lawin, Pia Wurtzbach in the role of Valentina, and a host of popular and big-named actresses in support of the new Darna.
Hindi kasi sapat ang kanyang ganda at talino para panoorin siya ng mga tao. Dapat ay may mabigat siyang suporta para ma-offset ang kanyang pagiging starlet.
Kung mga starlets rin ang kanilang kukunin, aba’y malaking risk ang involved rito.
‘Yun lang!
Ang tanong, agree kaya si Direk Erik Matti sa kanilang choice? Nagtatanong lang po. Hahahahaha!
LUIS MANZANO PINAG-IINITAN
SA DINAMI-RAMI ng mga aktor sa Pinas, pinaka-ma-PR para sa amin itong anak ng ma-PR ring si Queenstar Vilma Santos na si Luis Manzano.
Karamihan sa mga aktor sa ngayon ay may sakit na amnesia at mahirap makatanda nang pangalan ng isang reporter dahil nuknukan sila ng pagka-feelingero at ilusyunado.
Kaya naman gustong-gusto namin itong si Luis dahil bukod sa napaka-warm pa niyang kausap ay napaka-retentive pa ng kanyang memory and so lovable to boot.
Lately, he is the target of some venomous accusation of some netizens by virtue of his statement on the forthcoming marriage of Angel Locsin.
Kung bakit naman kasi nananahimik na ‘yung tao ay tinanong pa ng working press sa kanyang opinyon sa nalalapit na pagpapakasal nina Angel at Neil Arce.
Siyempre, he gave a very honest answer to the effect na it’s better supposedly that the press would no longer ask him about his opinion on Angel’s forthcoming marriage since they are leading separate lives already.
Ang kaso, when it came out, his answer was distorted and was given a somewhat sarcastic connotation.
Oh, well, hayaan mo na lang sila Luis. Kung gusto ka nilang intrigahin, it is best that you simply ignore them.
Karamihan kasi sa mga social media people na ‘yan ay hungry for intrigues and they desperately would want to see blood.
Basta ang mahalaga, okay kayo ni Jessy Mendiola and you are becoming a real success as a businessman.
‘Yun nah!
Sa karumal-dumal na pagpatay sa 1-year-old boy
GINA PAREÑO NGATAL SA GALIT, UMAAPELA NA IBALIK ANG DEATH PENALTY
NANGATAL sa galit si Ms. Gina Pareño dahil sa karumal-dumal na pagpaslang sa isang one-year-old boy na itago natin sa pangalang baby Josh ng isang 28-year-old laborer na si Gerald Reparip.
“Wala siya sa katinuan!” hissed Gina. “Dapat na mabigyan siya ng leksiyon para hindi pamarisan. Hindi na dapat binubuhay ang mga ganyan! Nakaaawa ang biktima at ang mga magulang niya!” she went on still bursting with righteous indignation.
Dahil dito, umaapela si Gina na ibalik ang death penalty at nakiusap rin siyang suportahan ang mga magulang nang pinatay na bata.
Galit na galit din ang sambayanang Filipino sa maka-hayup na pagpapahirap at pagpaslang sa inosenteng biktima, kaya marami ang nakapagsalita na dapat raw sigurong maging isa pang kaso ng “nanlaban” ang parusa kay Reparip.
Anyway, inako ni Reparip ang kanyang kasalanan, making a lame excuse that he was supposedly not aware of what he was able to do because he was under the influence of liquor.
Kasukah!
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!