TINIYAK ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang buong suporta sa mga isinusulong na programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa supply ng koryente.
Ayon sa NGCP, kanilang ibubuhos lahat ng kakayahan upang matapos ang mga transmission project at bibilisan din ang pagpapagawa ng iba pang nakalinyang proyekto ng ahensiya.
Kinilala naman ng NGCP ang kahalagahan ng renewable energy sa bansa at huhugot ito ng suporta mula sa kanilang strategic partner na State Grid Corporation of China o SGCC.
Malaking bagay, anila, ang pakikipagtulungan sa SGCC upang maipasok ang renewable energy technology sa national grid.
Samantala, prayoridad ng NGCP na pagbutihin pa ang disaster resilience ng grid infrastructure.
-DWIZ 882