LUMAKI ang budget deficit ng bansa noong Agosto, ayon sa Department of Finance (DOF).
Sa kanyang weekly briefing, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang fiscal deficit ng bansa noong nakaraang buwan ay umabot sa P133 billion, tumaas ng 84.63% o P61 billion year-on-year.
“This is due to the 6.6% contraction in government receipts alongside a 10-percent growth in expenditures,” ani Diokno.
Partikular niyang tinukoy ang total state revenues noong Agosto na nasa P310 billion, bumaba ng 6.58% mula noong nakaraang taon dahil kapwa bumagal ang tax at non-tax revenues sa naturang panahon.
Ang tax revenues ay nasa P291.7 billion, bumaba ng 5.82% mula P309.7 billion year-on-year, habang ang non-tax collections ay umabot sa P18.8 billion, mas mababa ng 17.05% kumpara sa P22.7 billion noong nakaraang taon.
Nakakolekta ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P213.5 billion, bumaba ng 6.73% mulabP228.9 billion noong August 2022.
Ayon kay Diokno, ang pagbaba ng koleksiyon ng BIR noong nakaraang buwan ay maaaring dahil sa paglipat sa value-added tax collection, na isinasagawa ngayon quarterly.
“They shifted the VAT from monthly to quarterly,” aniya.
Samantala, nakakolekta naman ang Bureau of Customs (BOC) ng P75 billion, bumaba ng 4.92% mula P78.9 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Bumaba rin ang koleksiyon mula sa oil imports dahil sa year-on-year drop sa global prices, gayundin sa pagbaba ng demand.
Sa kabila nito, sinabi ng finance chief na lumaki ang revenue collections sa P2.58 trillion, maa mataas ng 9.03% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
“The Bureau of Internal Revenue’s revenue performance for the eight-month period improved by 9.43% or P147.0 billion from the previous year, reaching P1.71 trillion.
This makes up 65% of the full-year target for 2023,” ayon kay Diokno.