MAS maraming foreign portfolio investments ang pumasok sa bansa sa pagsisimula ng 2022, ayon sa Bangko Sentaral ng Pilipinas (BSP).
Ang naturang investments, na tinatawag ding ‘hot money’ dahil sa bilis ng pagpasok at paglabas sa bansa ay nagtala ng inflows na $14.6 million noong Enero.
Ito ay makaraang lumabas sa bansa ang $4.38 million na ‘hot money’ noong Disyembre para maitala ang full-year figure sa 2021 na $574.46 million net outflows.
Sa datos ng BSP, ang $731 million na naitalang investments ngayong Enero ay bumaba ng 23.1% annually. Sa naturang bilang, 68% ang napunta sa securities na nakalista sa local bourse.
Ayon sa central bank, pangunahing inilagak ang mga ito sa holding firms, property, banks, food, beverage and tobacco, at telecommunications.
Ang nalalabing 32% ay napunta sa peso government securities.
Ang top investor countries para sa Enero ay ang United Kingdom, United States, Luxembourg, Switzerland, at Malaysia.