(Noong Enero) $98-M ‘HOT MONEY’ PUMASOK SA PINAS

BSP-11

MAS maraming foreign portfolio investments ang pumasok sa bansa noong nakaraang buwan.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), sumandig ang mga investor sa positibong pananaw ng  Fitch Ratings sa  Philippine economy at sa mass COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Sa datos ng BSP, ang bansa ay nakapagtala ng 98-million net inflows ng foreign portfolio investments noong nakaraang buwan, kabaligtaran ng   $486-million net outflows na naiposte sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang numero ay mas mataas din sa net outflows na $524 million na naitala noong December 2020.

Ang naturang investments ay tinatawag ding “hot money” dahil madali itong nakakapasok at nakalalabas sa ekonomiya, tulad ng shares sa Philippines Stock Exchange at sa government securities.

Ayon pa sa central bank, ang net inflows noong Enero ay bunga ng $952 million gross inflows at $854 million gross outflows.

Nasa 62.1 percent ng investments ay nasa Philippine Stock Exchange listed securities, partikukar sa mga bangko, holding firms, property companies, food, beverage and tobacco companies, at transportation services firms, habang ang 37.9 percent ay napunta sa peso government securities.

Ang top five investor countries ay ang United Kingdom, Singapore, United States, Luxembourg at Hong Kong, na bumubuo sa 83.4 percent ng trade.

One thought on “(Noong Enero) $98-M ‘HOT MONEY’ PUMASOK SA PINAS”

  1. 608246 75331The truth is and see if the Hcg diet protocol and as a consequence HCG Drops surely are a in fact quick approach to be able to shed pounds; whilst the healthy diet has a strong will most likely moreover sizable focus to undertake positive. hcg diet drops 671645

Comments are closed.