(Noong Marso $305-M) ‘HOT MONEY’ LUMABAS NG PINAS

BSP

UMABOT sa $305 million na foreign portfolio investments (FPIs) ang lumabas ng bansa noong Marso, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang foreign portfolio investments ay tinatawag ding ‘hot money’ dahil sa kaluwagan ng pagpasok at paglabas ng pondo sa merkado.

Ayon sa BSP, may $1.6 billion gross outflows at $1.3 billion gross inflows para sa naturang buwan, na kabaligtaran ng net inflows ns $274 million na naitala noong Pebrero.

Gayunman ay sinabi ng central bank na ang $1.3 billion FPIs na pumasok noong Marso ay mas mataas ng 35.3 percent kumpara sa $945 million noong Pebrero.

Malaking bahagi ng investments, o 86.7 percent, ay nasa PSE-listed securities habang ang nalalabing  13.3 percent ay napunta sa investments sa peso government securities.

Ayon sa BSP, ang top five investor countries para sa buwan ay ang United Kingdom, United States (US), Luxembourg, Singapore at Hong Kong na may combined share sa kabuuan na 78.4 percent.

“Year-on-year, registered investments in March increased by 55 percent from the $824 million recorded in the same month last year,” ayon pa sa BSP.