UNANG ginawa ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa Regal Films ang romance-drama na “Bilangin ang Bituin sa Langit” noong 1989, pero ngayong 2020, after 30 years, isasalin ito sa TV ng GMA Network. Hindi ba siya tumutol na gawin ito sa TV?
“Wala naman,” sagot ni Mama Guy sa media launch ng serye. “Iyon lamang, marami silang gagawing pagbabago dahil teleserye na ito at araw-araw mapanonood hindi tulad sa sine, at ia-update nila ang story na nababagay sa panahon natin ngayon para sa televiewers.
“Tulad ko, dati ay ginampanan ko ang role nina Magnolia at Maggie. Dito ang role ko ay si Cedes na dating ginampanan ni Perla Bautista. Namatay ang character ni Perla noon, kaya ngayon for the expanded TV version, ako na si Cedes at anak ko si Mylene Dizon as Magnolia or Noli at si Maggie na anak niya ay gagampanan ni Kyline Alcantara.”
Dagdag pa ni Nora, mas makapal at madrama ang role ni Cedes. Asawa ni Cedes si Damian played by Ricky Davao, na may-ari sila ng isang malaking grape plantation sa La Union (doon sila nag-taping) at mahal sila ng mga farmers nila. Pero dumating sa buhay nila ang mag-asawang Ramon (Dante Rivero) at Martina (Isabel Rivas) dahil na-in love si Magnolia kay Anselmo (Zoren Legaspi), na anak ng mag-asawa. Ayaw ni Martina kay Magnolia kaya inutos niyang sunugin ang ubasan nina Cedes, napatay pa si Damian kaya sa galit ni Cedes, napatay niya si Ramon. Magtatago sa batas si Cedes at aampunin ng mayamang si Edith (Divina Valencia) at doon muling makababangon si Cedes at ang kanyang anak at apo.
Tiyak na labanan ng acting ang buong cast lalo na ang director nila ay si Laurice Guillen na kilalang director ng top-rating teleseryes sa GMA 7.
Natanong si Guy kung mahusay ba si Kyline Alcantara? Wala pa raw silang eksenang magkasama, pero sigurado raw mahusay si Kyline dahil tulad niya ay isa rin itong Bicolana.
Pakiusap ni Guy na sana ay magustuhan ng mga televiewers ang “Bilangin ang Bituin sa Langit,” na una niyang proyekto sa GMA na mapanonood sa Afternoon Prime.
World premiere na nila sa Lunes, February 24, pagkatapos ng top-rating series din ng GMA, ang “Prima Donnas.”
ALDEN RICHARDS HALATANG NA-MISS ANG HOSTING NG REALITY SHOW
ANG sipag mag-promote ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards ng bago niyang project sa GMA Network, ang musical competition for kids na “Centerstage.” Halatang na-miss ni Alden ang pagko-co-host niya noon kay Regine Velasquez ng reality talent show na “Bet ng Bayan” in 2014.
Noon, siya ang parang journey host dahil siya ang pumupunta sa kung saang lugar ang audition sa buong Filipinas. After six years, siya na ang main host at journey host niya si Betong Sumaya.
“It’s something new for me, it’s going to be different, ‘yun po ang challenges sa akin dito, how to deal with kids, kung paano sila mag-isip, paano ko naman gagawing magaan ‘yung naging desisyon ng judges at ng mga tao,” sabi ni Alden.
Judges for “Centerstage” sina Kapuso Diva and international singer-artist Aicelle Santos, musical director Mel Villena and Concert Queen Ms. Pops Fernandez.
Sa February 16 ang pilot episode ng “Centerstage” at 7:40 PM pagkatapos ng “Daig Kayo Ng Lola Ko.”
Comments are closed.