NPA LEADER TUMBA SA ENGKUWENTRO

patay

BUKIDNON – NASAWI ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army  (NPA) matapos na makipagbakbakan sa militar sa Bukidnon.

Kinilala ni Army’s 3rd IB Commander LtC. Oscar Partuza ang nasawing rebelde na si Eduar­do Arnado alyas Choy.

Si Choy ang Deputy Secretary ng Guerilla Front 53 at siyang pasimuno umano ng pa­ngingikil ng NPA sa bahagi ng North Cotabato, hilagang bahagi ng Davao del Sur at katimugang Bukidnon.

Nangyari ang sagupaan noong Biyernes ng hapon habang nagsasagawa ng security operations ang militar.

Una rito ay nakatanggap sila ng impormas­yon sa presensya ng armadong grupo sa Sitio Lamparuc, Barangay Sampagar bayan ng Damulog.

Matapos ang sagupaan, agad nagsitakas ang mga rebelde at iniwan ang bangkay ng kanilang lider.

Narekober ng militar ang iba’t ibang klase ng mga armas at bala gayundin ang mga basyo nito at ilang mga mahahalagang dokumento na iniwan ng mga rebelde. REA SARMIENTO/VERLIN RUIZ

Comments are closed.