DINOMINA ni Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena ang Perche En Or tournament sa Roubaix, France upang kunin ang kanyang unang gold medal sa 2023 indoor pole vault season nitong Linggo.
Na-clear ni Obiena ang 5.82 meters upang pagharian ang kumpetisyon.
Pumangalawa si Jie Yao ng China makaraang ma-clear ang 5.75 meters at nabigong ma-clear ang 5.82 meters sa tatlong pagtatangka. Nagkasya si French Ethan Cormont sa third sa 5.65 meters.
Si Obiena ay nauna nang nagwagi ng silver sa International Jump Meeting Cottbus sa Germany noong Enero 26 sa pagsisimula ng kanyang kampanya sa indoor season campaign.
Ang record ni Obiena sa indoor pole vault ay 5.91 meters.