NAGTALA si EJ Obiena ng bagong season best nang masikwat niya ang gold sa Taby Stavhoppsgala sa Sweden nitong Martes.
Na-clear ng Filipino pole vault sensation ang 5.92 meters tungo sa gold sa kanyang unang event magmula nang makarekober mula sa COVID-19.
Si Obiena ay hindi nakalahok sa dalawang meets dahil sa health protocols: ang Oslo Bislett Games sa Norway at ang Meeting de Paris sa France sa kaagahan ng buwan.
Nahigitan ni Obiena ang kanyang dating personal best na 5.85 meters na kanyang naitala sa Italy — kulang ng .01 sa Asian record na 5.93 meters na kanyang naiposte sa Austria noong Setyembre ng nakaraang taon.
Nagkasya si 2016 Olympic gold medalist Thiago Braz ng Brazil sa silver na may 5.82 meters, habang nakopo ni Simen Guttormsen ng Norway ang bronze na may 5.72 meters.
Mananatili si Obiena sa Sweden upang sumabak sa Stockholm Diamond League sa Biyernes.