BAKASYON at pagkakataong makapagsimba para sa misang pasasalamat ang sinamantala ng apat na medalists sa katatapos na Tokyo Olympics, sa pangunguna ni gold medal winner Hidilyn Diaz,
Kasama ang ilang kaanak at kaibigan, pinagkalooban ni Tagaytay City Congressman at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng napapanahong pahinga si Diaz, kasama sina silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze medal winner Eumir Marcial, sa pamosoing tourist destination sa Cavite.
Dumalo rin ang grupo sa isang Thanksgiving Mass sa dinadayo ring Our Lady of Lourdes Parish.
Nakapagbakasyon na rin ng ilang araw si Diaz sa kanyang tahanan sa Zamboanga City matapos maitala ang kasaysayan bilang unang Pinoy (regular sports) na nagwagi ng gintong medalya sa Olympics nang pagbidahan ang record-breaking win sa women’s -55 kgs ng weightlifting.
Ang bowler na si Arianne Cerdena ay nagwagi rin ng gintong medalya sa Olympics noong 1988 edition sa Seoul, ngunit ang bowling ay nilaro bilang demonstration sports noong panahong iyon.
“We wish to thank the Almighty for our success in the Tokyo Olympics. First and foremost, we look at the medals as gifts from God,” pahayag ni Tolentino.
Pinangasiwaan ni Cavite Bishop Reynaldo Evangelista ang misa.
Sinabi ni Tolentino na nilimitahan nila ang bilang ng mga dumalo bilang pagtalima sa ipinatutupad na safety and health protocol ng Inter-Agency Task Force (IATF). EDWIN ROLLON
467155 625533You completed various great points there. I did a search on the theme and identified the majority of folks will consent together with your blog. 448807
334155 810121I got what you intend,bookmarked , really decent internet internet site . 136443