SUPORTADO ni Senador Bong Go ang posibleng “one-on-one” talk nina Pangulong Rodrigo Duterte at CPP Founding Chair Joma Sison.
Ayon sa senador, dapat suportahan ang anumang hakbang na ang layunin ay maabot ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.
Iginiit nito, hangad ng bawat isa ang kapayapaan lalo na sa Mindanao ngayong naitatag na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kinumpirma ni Go, isa siya sa mga nilapitan ng mga lider ng makakaliwang grupo na nagtanong kung mayroon pang pag-asa ang usapan pangkayapaan.
Kaya’t umaasa ang senador na magtuloy-tuloy na ang peacetalks para makamit ang pangmatagalang kapayapaan.
Kaugnay nito, umapela si Go sa mga rebelde na magtiwala kay Pangulong Duterte tulad ng ibinigay nilang pagtitiwala noong Alkalde pa lamang ito ng Davao city kung saan ay umaakyat sila sa mga kampo ng mga rebelde.
Comments are closed.