(‘Out’ sa Tokyo Olympics) WORLD’S FASTEST MAN BANNED NG 2 TAON

Christian Coleman

ANKARA –  Pinatawan ng Athletics Integrity Unit (AIU) ng dalawang taon ban si world 100-meter champion Christian Coleman dahil sa paglabag sa anti-doping rules.

“The Disciplinary Tribunal has upheld the AIU’s charge and banned sprinter Christian Coleman of the USA for 2 years for 3 Whereabouts Failures in a 12-month period, a violation of the World Athletics Anti-Doping Rules,” pahayag ng AIU sa sa Twitter.

Ang whereabout rule ay nag-aatas sa mga  atleta na magbigay ng impormasyon hinggil sa kanilang lokasyon at maging handa para sa tests sa sandaling ipatawag.

Ayon sa AIU, si Coleman ay hindi maaaring lumahok sa anumang kumpetisyon hanggang Mayo 13, 2022.

Hindi makakalahok ang 24-year-old American sa Olympics sa Tokyo sa susunod na summer subalit maaari niyang iapela ang ruling sa Court of Arbitration for Sport.

Si Coleman ay nagwagi ng gold sa 100-meter at 4×100-meter relay sa Doha noong nakaraang taon. (Anadolu)

Comments are closed.