P1.1M KUSH MARIJUANA NASABAT SA PORT OF CLARK

marijuana

TINATAYANG aabot sa P1.1 milyon ang halaga ng tatlong  plastic packs ng 980 gramo ng Kush Marijuana ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark.

Ang naturang illegal drugs ay nagmula pa sa California at itinago ito sa loob ng imported coffee packs upang makalusot sa mga kinauukulang.

Ayon sa report na nakarating sa BOC, dumating ang mga ito noong Setyembre 8 at idineklara bilang mga “Coffee T-shirt Bookbag”, ngunit lumabas sa resulta ng physical examination, nasa loob ng parcel ang tatlong t-shirts, isang libro at 3 packs ng coffee beans kung saan itinago ang mga marijuana.

Agad naman ito inisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention ng BOC kaugnay sa paglabag ng Sections 118 (g), 119 (d) and 1113 (f), (i) & (l) of R.A. No. 10863 o tinatawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) in relation to R.A. No. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 .

Kasabay nito, itu-turn over sa mga nakumpiskang marijuana sa tauhan ng Philippine Drugs and Enforcement Agency (PDEA). FROILAN  MORALLOS

Comments are closed.