P1.8-M SHABU NASAMSAM, 3 TULAK ARESTADO

shabu

NAVOTAS CITY – NASAMSAM ng awtoridad ang mahigit sa P1.8 milyon halaga ng shabu matapos masakote ang tatlo umanong notoryus na tulak ng droga sa buy bust operation sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang mga naarestong si Marvin Perales, 25, ng Brgy. Daang Hari, Marvin Turla, 30, ng Brgy. San Jose, at Cresencio Arroyo Jr., 33, ng 540 PNR Compd. Brgy. 73, Caloocan City.

Sa report ni Col. Balasabas kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ronaldo Ylagan, dakong alas-8:35 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt Charlie Bontigao ng buy-bust operation kontra sa mga suspek sa kahabaan ng Los Martires St., Brgy. San Jose sa koordinasyon sa PDEA.

Kaagad sinunggaban nina PCpl Mc Edson Macaballug at Pat Glenn Ocampo Et-Al ang mga suspek matapos tanggapin ang P1000 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu.

Nang kapkapan, narekober sa mga suspek ang apat na medium transparent plastic sachets at tatlong transparent plastic ice bag na naglalaman ng nasa 270 gramo ng shabu na may  P1,836,000 street value, buy-bust money, P1,600 bill at isang green na eco bag. EVELYN GARCIA

Comments are closed.