NORTH COTABATO – UMAABOT sa P200,009 ang maaring utangin ng mga Micro and Small Enterprises (MSE) para makapagsimula sa enterprises program ng Department of Trade and Industry sa North Cotabato na tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay DTI- North Cotabato Provincial Director Ferdinand Cabiles, mula sa P10,000 hanggang P200k ang maaring ma-loan depende sa kanilang kinikita at may anim na buwang grace period sa pagbabayad pagkatapos na ma-release ang halagang inutang.
Aabot lang sa 6 percent kung 12 months ang pagbabayad habang 8 percent naman kung 24 na buwan.
Kaugnay nito, tutulong ang Department of Trade and Industry – North Cotabato sa Micro enterprises sa muling pagbangon ng mga negosyante sa pamamagitan ng pagpapautang o COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) program.
Sa mga nais makinabang sa programa, maaring mag-apply sa online habang sa mga walang internet connection ay puwedeng bumisita sa mga negosyo centers sa iba’t ibang bayan ng nasabing probinsya.
Bukod pa rito, magbibigay rin ng livelihood starter kits lalo na sa mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic sa pakikipagtulungan naman ng Department of Labor and Employment (DOLE). MHAR BASCO
Comments are closed.