NAGKASUNDO na ang congressional bicameral conference committee na aprubahan at ratipikahan ang P3.757 trillion 2019 national budget sa Biyernes.
Ito ang iniulat ni Senadora Loren Legarda, chairman ng Senate committee on finance, sa plenary kahapon makaraang makipagpulong ito sa kanyang counterpart sa Kamara na si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya.
“It was more congenial and open bicam and I think there’s a breakthrough in a sense,” ani Legarda nang humingi si Senate Minority Leader Franklin Drilon ng update sa bicam kaugnay sa budget.
Ayon kay Legarda, sa darating na Miyerkoles ay inaasahan na ang pagsasapinal ng bicam sa 2019 national budget.
“Congressman Andaya and I agreed to meet again on Wednesday in the morning so that we can finalize it for a targeted ratification on Friday at the latest,” giit ni Legarda.
Aniya, bagaman sa Miyerkoles ang huling sesyon ng Kongreso ay maaari itong palawigin hanggang Biyernes para sa pagratipika sa pambansang pondo.
Nakatakdang mag-break ang Kongreso sa Miyerkoles (Pebrero 6) at magbabalik sa Mayo matapos ang May 2019 midterm elections. VICKY CERVALES
Comments are closed.