P30-M SMUGGLED NA SIBUYAS NASABAT

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at ng Department of Agriculture (DA) ang P30-M na halaga ng smuggled na puting sibuyas na nasa container vans.

Nadiskubre ang nasa 100,000 kilo ng puting sibuyas noong Nobyembre 29 na na-misdeclare bilang bread o pastries.

Ayon sa DA, hindi rin dumaan sa anumang Food Safety Regulations ang mga pinuslit na sibuyas.

Sinabi naman ni Agriculture Assistant Secretary James Layug na ang mga smuggled agriculture products ay maaaring magdulot ng panganib sa lokal na sektor ng agri-fisheries dahil ang mga kargamento ay maaaring makapagdala ng transboundary disease.

Samantala, inirekomenda ng mga awtoridad mula sa Agriculture Department ang pagsasampa ng kaso sa BOC.

DWIZ 882