MAY tinatanaw na tatlong libong pisong bonus sa Disyembre ang mga guro.
Ito ang inianunsiyo ni Education Secretary Leonor Briones kasabay ng pagdiriwang kamakalawa ng World Teachers’ Day.
Sinabi ni Briones na ito ay para sa bawat guro at hindi nakadepende sa posisyon.
Buko dito ay naniniwala ang kalihim na maisasakatuparan ang P1,500.00 na special bonus kapag sumasapit ang Oktubre 5 (World Teachers’ Day) simula sa susunod na taon.
Nakapaloob umano ito sa 2019 proposed national budget na pinag-uusapan sa Kamara at Senado.
Kamakalawa ay hindi napigilang magprotesta ng mga guro para ipanawagan ang dagdag na sahod.
Paliwanag naman ni Briones, na umiiral ang Salary Standardization Law na kanilang ipinatutupad para madagdagan ang sahod at benepisyo ng mga guro sa susunod na taon. ELMA MORALES
Comments are closed.