P4.1-T NATIONAL BUDGET NIRATIPIKAHAN NG SENADO, KAMARA

NATIONAL BUDGET-2

NIRATIPIKAHAN ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang P4.1 trilyon na national budget para sa 2020 kahapon.

Kasabay nito, sinabi ni House Committee on Appropriations Chairman at Davao City Rep. Isidro Ungab na target nilang mai-sumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kopya ng panukalang 2020 General Appropriations Bill (GAB) sa ­Disyembre 21.

Ayon kay Ungab, naniniwala sila na magkakaroon ng sapat na panahon ang Punong Ehekutibo na mapag-aralan at mapirmahan ang pambansang badget para sa susunod na taon bago matapos ang 2019.

Nabatid kay Ungab na ang pambansang budget para sa susunod na taon ay mas mataas sa P3.757 trilyon na budget ngayong ta-on.

Pinuri at pinasalamatan naman ni Speaker Alan Peter Cayetano ang mga bumubuo sa bicameral conference committee sa masusi at maagap nitong pagbusisi sa  2020 GAB.

“2020 is a very symbolic year as it represents a perfect vision – a vision we share with President Duterte to provide a safe and comfortable life for all Filipinos. Now more than ever is the best time to push for reforms to see this goal through,” pahayag ng House Speaker.

“We passed a budget with no pork, no parked funds, and no delays with full tranparency. While there is no perfect budget, both the Senate and the House of Representatives have identified areas where funds have been underutilized for various reasons. Thus both houses made adjustments so it can now be fully utilized for programs such as the Build, Build, Build and social welfare pro-grams in furthering the goal improving the quality of life of Filipinos,” dagdag pa niya. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.