P8.18-B BUDGET NG OP LUSOT NA SA SENATE PANEL

pondo

APRUBADO na sa Senate Finance Committee ang panukalang budget ng tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa taong 2022 na P8.182 bilyon.

Ang nasabing budget ay mas mababa ng halos P4 milyon kumpara ngayong taon.

Nakapaloob na rin sa naturang budget ang P4.5 bilyon na confidential at intelligence fund ng Office of the President (OP)  katulad ngayong taon at noong 2020.

Sa pagtatanong ni Senador Nancy Binay sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara , sinabi ng OP na 100% na nagamit ang confidential at intelligence fund noong 2020 , habang P2.95 bilyon ang nagamit na ngayong taon hanggang noong Setyembre 30,2021.

Samantala, inaprubhan din sa naturang pagdinig ang budget ng Presidential Management Staff (PMS) na P751.17 milyon na mas mababa ng 5.11% kumpara ngayong taon.

Bago naaprubahan ay tinanong ni Binay ang PMS tungkol sa paglalagak ng P36 milyon sa kontrobersiyal na Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) samantalang may pondo roon ang PMS na natutulog ng may apat hanggang pitong taon na. LIZA SORIANO

Comments are closed.